Sunday , December 5 2021
Paolo Contis, LJ Reyes

Paolo inaming naging marupok at gago humingi ng sorry kay LJ

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAGLABAS na ng panig niya si Paolo Contis tungkol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkalipas ng anim na taon nilang pagsasama at nabiyayaan ng isang anak na babae, si Summer na dalawang taong gulang.

Kaliwa’t kanan ang batikos kay Paolo ng netizens pagkatapos nilang mapanood ang recorded video interview ni LJ sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube na umabot na sa 1.7M views sa kasalukuyan.

Isa-isang sinagot ng aktor ang mga bintang ng netizens sa kanya na dahilan ng paghihiwalay nila ng nanay ng anak niya at nilinis niya ang pangalan ni Yen Santos na leading lady niya sa pelikulang A Faraway Land na sinyut nila noong 2020 sa Faroe Island, Kingdom of Denmark na isa sa most viewed ngayon sa Netflix.

Kulay itim ang larawang nakalagay sa dalawang post ni Paolo sa Instagram account.

After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…

1. Drugs – Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.

2. Third Party – Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.

3. Yen Santos – She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano.

4. Baguio – When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nu’ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.

5. Lolit – Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo di ba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang nag-uusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry ‘Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni ‘Nay Cristy.”

Binanggit ng aktor na nag-usap sila ni LJ tungkol sa anak nilang si Summer na gusto sana niyang makapiling, pero nasa batas na kapag wala pang pitong taong gulang ang bata ay mananatili ito sa ina.

I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag-usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag-usapan pero sa amin na lang ni LJ ‘yun at sana respetuhin niyo ‘yun.”

Nadamay ang ex-wife niyang si Lian Paz dahil pareho raw ng estilo ng paghihiwalay nila ng kay LJ kaya humingi siya ng tawad pati sa mga anak nila. Pati sa ina ng aktor ay humingi siya ng sorry dahil sa pag-aalala sa kanya.

I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.”

Mensahe naman ni Paolo sa mga anak nila ni LJ.

To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry, I failed you.”

At kay LJ, humingi rin ng dispensa si Paolo, “To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.

“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Aabot na sa 5,000 comments mula sa netizens ang mga nabasa namin at lahat sila ay galit sa aktor at hindi sila naniniwalang walang namamagitan sa kanila ni Yen na sinabing ‘friend’ niya dahil saan ka raw makakakita ng kaibigang magkahawak kamay habang naglalakad.

Panig na lang ni Yen ang hinihintay ng lahat at bukas ang HATAW tungkol dito. 

About Reggee Bonoan

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, The World Between Us

Serye nina Alden, Tom, at Jasmine nasa GTV na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood …

Leave a Reply