Thursday , April 18 2024
Jose Mari Chan
Jose Mari Chan

Jose Mari Chan ‘iginapos’ ng netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG lakas nang tawa namin nang makita ang isang edited pic ni Jose Mari Chan, nakagapos at may tape sa bibig tapos ang caption ay, “manahimik ka muna Riyan, walang pera ang mga tao.”

Obviously ginawa ang katuwaang “meme” na iyan dahil nagsisimula nang marinig ang Christmas song ni Jose Mari Chan ngayon.

Sinasabi naming katuwaan lang ang comment na iyan dahil hindi naman nakabatay sa pera ng tao iyang pagdiriwang ng Pasko, kaya nga lang ang paparating na Pasko ay ikalawa nang gumagapang sa kahirapan ang mga Filipino, at tiyak masusundan pa iyan ng marami pang Paskong walang-wala lalo’t alam naman natin ang kalagayan ng ating ekonomiya at ang utang na iiwanan sa atin ng kasalukuyang gobyerno na babayaran natin sa loob ng marami pang Kapaskuhan. Pero hindi naman siguro tama na patahimikin si Jose Mari Chan. Pabayaan nating kahit na hanggang sa kanta na lang, kailangan nating maging masaya dahil Pasko nga. Hindi natin maibabalik iyong kagaya ng mga Pasko natin noong araw, kahit na sabihin mong sampung taon pa mula ngayon. Hindi pa rin natin mababayaran ang utang na mahigit na P11-T kung mga 10 taon lang.
Nakalulungkot lang na hindi natin nadama kung saan nga napunta ang P11-T na iyon. Aba, “sako-sakong pera” nga iyon. Saan kaya gagamitin?

About Ed de Leon

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *