Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Josefina Marquez, isang senior citizen, retiradong empleyado ng isang private company, at kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.
Nais ko lang pong i-share ang naranasan kong grabeng pananakit ng aking tiyan at balakang kamakalawa. Madaling araw ko po ito naranasan.
Ang ginawa ko para maibsan ang pananakit nag-CR ako, umihi at dumumi. Success naman pero hindi natanggal ang grabeng pananakit.
Ang ginawa ko bago matulog ulit, naghaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa aking buong tiyan hanggang sa puson at ganoon din sa aking likuran. Nilagyan ko lahat ng kayang abutin ng kamay ko sa likuran. Saka ako umakyat at humiga na. Dahil sa grabeng antok ako’y nakatulog at hindi na namalayan kung nawala ang sakit.
Paggising ko po kinabukasan, pinakiramdaman ko ang tiyan at likuran, aba, parang nagdahilan lang. Wala na ang mga pananakit.
Kaya talagang bilib ako sa FGO Krystall products, kasi walang mintis sa pagpapagaang at pagpapahusay ng aming kalusugan.
Maraming salamat po.
JOSEFINA MARQUEZ
Quezon City
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com