HATAWAN
ni Ed de Leon
BAGAMA’T nananatilinbg tahimik sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati tungkol sa sinasabing paghihiwalay nila tila ang lumalaki ay ang hidwaan ng kanilang mga magulang. Nakikipagtalakan kay Annabelle Rama ang tatay at nanay ni Sarah.
Alam naman nating pare-pareho lang silang gustong bigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng kanilang mga anak, mukhang mas lumalabo ang pagkakasundo ng mga iyon dahil sa kanila.
Maraming fans ang nalulungkot din dahil sa paghihiwalay ng dalawa, ang magiging kawawa ay ang kanilang mga anak na maliliit na bata pa. Kailangan pa ng mga bata ang pagkalinga ng kanilang ana at ina. Kung magkakahiwalay nga sila, ang mga bata ang unang apektado na hindi naman sana dapat mangyari. Iyon nga lamang lumalabo ang pagkakasundo dahil sa pagtutungayawan ng kanilang mga magulang. Si Sarah ay walang sinasabing ano man kontra sa kanyang mga biyenen, ganoon din naman si Richard. Ang lumalabas na matindi ang away ay ang magbalae.