ni Ed de Leon
DAHIL wala naman siyang kinita kundi barya lang sa mga nagawa niyang indie at gay series, walang choice ang isang newcomer kung hindi “pumasada” pa rin. Doon naman siya dinadala ng manager niya.
Pero kawawa naman ang newcomer, dahil ipinakilala siya ng manager niya sa isang foreigner, at dahil malaki ang offer, payag naman ang newcomer. Hindi niya alam na gagawin pala siyang “girl”. Talo pa raw ni pogi ang na-rape ng kabayo.
Pero iyon ang risk niyang mga nagsa-sideline, bukod siyempre sa maaari pa silang makakuha ng sakit sa ginagawa nilang ganyan. Mas mabuti pa rin ang disenteng hanapbuhay.