Monday , May 20 2024
Enrique Gil Liza Soberano

Pictures ni Enrique binura na ni Liza?

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAKIT daw walang naiwang pictures si Enrique Gil sa social media account ni Liza Soberano? Siguro nga dahil hindi naman sila magkasama ngayon, pero kung lahat ay nawala na, baka may ibang dahilan. Baka nga “wala na sila” o ang isa pang dahilan “may planong iba ang managers ni Liza ngayon at ayaw nila ng love team, after all hindi sila ang managers ni Enrique.” Ano man ang dahilan nila, wala na tayong pakialam.

Iyan namang si Enrique, dapat mag-isip na siya ng itatakbo ng kanyang career at huwag nang sumandal sa love team nila ni Liza, dahil Hollywood na nga ang pangarap niyon. Iba na ang priorities. Kung magsyota pa rin sila, iba na iyon kaysa ambisyon ngayon ng syota niya.

Hindi dapat sayangin ni Enrique ang kanyang career sa paghihintay sa syota niya. Dapat magplano na siyang mag-isa. Sayang dahil malakas naman ang following niya. Bakit niya sasayangin kung ano pa man ang maaabot niya sa kahihintay kay Liza?

Kung hihintayin niyang ma-realize niyon na wala rin pala siyang katutunguhan sa ambisyon niya at magbalik na rito, aba matagal pa iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …