Thursday , June 4 2026
Jace Flores

JACE FLORES ITINANGGI NG GMA, ‘DI KONEKTADO SA NETWORK

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPALABAS na ng isang official statement ang GMA Network, na si Reynaldo Flores, o kilala sa alyas na Jace Flores ay hindi konektado sa kanilang artists center o sa kanilang network simula pa noong matapos ang kontrata niyon sa kanila noong 2013.

Nagpalabas sila ng ganoong statement matapos na lumabas ang mga balita na ipinakikita niya sa mga tao ang kanyang kontrata bilang katunayan na siya ay may trabaho at may kakayahang magbayad ng inuutang. Nauna riyan ay may mga bintang na na-swindle ni Jace at ng kanyang asawa ang marami nilang kakilala. Pero si Jace ngayon ay nagtatago kaya hindi naman masampahan ng demanda.

Naglinis lang naman ng kamay ang GMA at sinabi nilang wala silang kinalaman kay Jace, na nakasali lamang noon sa contest nilang Survivors kaya nagkaroon ng kontrata sa kanila. Iyon naming napagpakitaan ng kontrata, hindi ba nila naisip na ang nagsasabing siya ay isang TV star ay hindi naman napapanood sa TV?

Pero kung minsan may magagaling talagang magsalita at mabilis na naloloko ang mga mapagtiwala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …