KUNG inaakala ninyong naka-score na kayo at nabosohan si Paulo Avelino, at kung naniwala kayo sa pakulo na mayroon siyang frontal nudity para panoorin ang kanyang pelikula, na-Ninos Inocentes kayo ng maaga.
Noon mismong araw ng Pasko, kumalat sa social media ang isang video ng sinasabing eksena ni Paulo na jumi-jingle sa tabi pa ng poste ng DPWH, at walang kaabog-abog na iwinagayway pa ang kanyang “putotoy.”
Nagkagulo naman sila sa social media, dahil nabosohan nga raw si Paulo, at marami ang may gustong makapanood ng pelikula dahil “high definition” iyon at tiyak na mas malinaw. Eh sinasabi pa ng director na mapapanood nang buo ang pelikula nila ng walang cuts at nandoon ang frontal nudity. Eh ‘di iyong mga bosero naman ganado.
Kaso nabuko, kasi ang nakita pala roon ay hindi ang mismong “putotoy” ni Paulo kundi isang putotoy na ginawa lamang ng make-up artist na si Barbie Rothschild, na inilabas pa niya mismo sa kanyang social media account. Nang lumabas iyon, nagmumura ang nakabili ng tickets para makaboso sila sa internet. “Stunt cock” lang pala ang kanilang makikita at hindi putotoy mismo ni Paulo.
Iyan kasi, mahilig kayong magpapaniwala sa mga pra la la, ‘di nabiktima kayo.
HATAWAN
ni Ed de Leon