NAGLABAS nang lahat. Lumabas na ang panawagan ni Manay Ichu Maceda, na totoo namang kasama ng noon ay mayor pang si Presidente Erap Estrada na nagsimula niyang Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagpahayag na rin ang PMPPA na pinamumunuan nina Malou Santos at Orly Ilacad na nakasuporta lamang sila sa isang festival na nasa pamamahala ng MMDA.
Nagpahayag na rin ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines o ang mga may-ari ng sinehan, na naniniwala silang ang MMFF ay nagtatagumpay lamang sa ilalim ng MMDA.
Palagay namin, bagama’t siguro nga maganda rin naman ang kanilang intensiyon, talo ang FDCP sa kanilang kampanyang mailipat sa kanila ang MMFF ano man ang gawin nila.
HATAWAN
ni Ed de Leon