MUKHANG unfair naman iyong sinasabi nilang binabanatan ni Janine Gutierrez si Congw. Vilma Santos dahil, ”natural apo iyan ni Nora Aunor.”
In the first place, palagay namin matagal nang natapos ang kompetisyon kina Nora Aunor at Vilma. Hindi na kasi sila iyong artistang nag-aagawan sa popularidad. Si Nora siguro, tanggap na niya iyong hindi na siya makakakanta pang muli, at indie na lang ang mga pelikula niya.
Si Ate Vi naman, masyadong busy na bilang isang public official, at marami man ang nag-aabang sa kanya na gumawa ng pelikula, wala na siyang panahon.
Si Janine, talagang tutol lang siya sa Anti-Terrorist Bill, kaya nga sumali pa siya sa “mananita.”
HATAWAN
ni Ed de Leon