TALAGANG sunod-sunuran lamang si female star sa kung ano man ang gustong mangyari ng kanyang boyfriend.
Takot kasi siyang mapalitan ng boyfriend niya. Hindi niya maipagmamalaki ang suportang ibinibigay niya sa boyfriend niya dahil may dalawa naman daw mayamang bading na nagbibigay din ng suporta roon.
Kawawa si female star. Isipin ninyo iyong ganda niyang iyon ang kalaban lang niya bading? Paano namang hindi mas makapal ang pitaka ng bading kaysa kanya?
Ganyan lang ang buhay.
(Ed de Leon)