GANOON na nga mismo ang nangyari, postponed ang Christmas celebration ni Congresswoman Vilma Santos dahil kailangang unahin niya ang pagtulong sa relief operations sa Batangas. Take note, hindi lamang sa Lipa kundi nakarating din sila sa iba pang bayan ng Batangas, dahil sinasabi nga ni Ate Vi, “hindi na ako ang governor pero minsan ay naging constituents ko silang lahat, hindi lang ang taga-Lipa”.
Sinasabi rin niya “hindi ba mas ok naman iyong tumulong ka sa kapwa kaysa mag-celebrate ka ng Christmas na kayo-kayo lang? Paano ka naman magce-celebrate kung alam mong may hindi magandang nangyayari sa iba,” dugtong pa ni Ate Vi.
Oo nga naman. Mas tama ang desisyon ni Ate Vi.
HATAWAN – Ed de Leon