TUWANG-TUWA noong isang araw ang isang kilalang showbiz gay. May dumating kasi sa bahay niya na isang poging bagets na lumabas daw noon sa isang youth oriented TV show sa isang network at may ibinigay sa kanyang sulat.
Ang sulat ay galing sa isang kaibigan niya at ang nakalagay doon, ”siya ang Christmas gift ko sa iyo”. Siyempre hindi na tinanggihan ng showbiz gay ang gift sa kanya, pogi rin naman ang bagets. Pero pagkatapos nagpadala siya ng sulat sa kaibigan niyang nagregalo na ang sabi, ”walanghiya ka, mas bakla pa pala sa akin iyong gift mo.”
Ang lakas ng tawa namin sa kuwento. Gusto ninyo ng clue? Iyong bagets ay sikat na sikat sa Facebook at Instagram. Marami siyang followers at tinatawag ngang”social media star”.
Dahil sa kuwento, nabukong siya pala ay “nagsa-sideline” at nabuko rin namang “bading din pala siya.”
(Ed de Leon)