Wednesday , November 12 2025
Benz Sangalang

Benz Sangalang, tuloy-tuloy sa pagsabak sa action projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAPOS patunayan ni Benz Sangalang ang pagiging astig niya sa action sa pagiging bahagi ng ‘Totoy Bato’ series sa TV5, tuloy-tuloy na ang hunk na talent ni Jojo Velososa ganitonggenre.

Kinamusta namin si Benz at ito ang kanyang tinuran.

Aniya, “Okay naman po, may upcoming action movie ako, kaso ay hindi ko pa alam masyado ang details nito.”

Sa tingin ba niya ay puro action projects na ang ibibigay sa kanya ng Viva?

“Base kay boss Vic (del Rosario) po, mukhang ganoon na nga po kasi madami nang mga sexy movies ang kinuha ako, pero hindi nla ako in-allowed. Na action projects na lang ginawa ko, ‘di ko lang po alam kung isasabak din ako sa new app na Viva Drama Box.”  

Ano ang natutunan niya sa kanyang stint sa Totoy Bato?

“Siguro po ang mag-focus sa mga action stunts, like suntukan at mga porma sa paghawak ng baril. Tapos po time management, kasi ‘pag teleserye ay weekly po talaga, may regular kang taping.” 

Nabanggit din ng aktor ang preparations na ginagawa niya kapag mayroon siyang action project.

“Itong gagawin kong project, paghahandaan ko po roon ‘yung mga paghawak ng kutsilyo at siyempre pagpapaganda lalo ng katawan ko po.” 

Binansagan siyang Vivamax King dati, naninibago ba siya na from sexy films ay sa action na ngayon siya nalilinya?

Esplika ni Benz, “Noong una po, pero ngayon ay nasasanay na… mas nakakapagod pero unti-unti ay nararamdaman ko na mas itinuturing na akong seryosong artista ng mga tao.” 

May challenge ba sa pag-shift niya sa action genre? “Siguro roon lang po sa part ng paguran ‘yung nga action scenes… Kasi kahit naman po nasa sexy pa ako, nagpapaganda na ako talaga ng katawan at ginagawa ko naman ‘yung best ko sa mga roles na ibinibigay po sa akin,” sambit pa ni Benz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …