BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN. Masayang nagkuwento ang versatile star tungkol sa kanyang pinakabagong movie na Project Baby at kung paano nagkaroon ng malaking influence ang project na ito sa kanyang journey tungo sa kaniyang growth bilang isang babae.
Sa pagbibigay-buhay sa kwentong ito, binigyang-diin ni Sue ang nakamamanghang collaborative experience sa set, kasabay ng pagbabahagi ng kanyang matinding paghanga para sa co-star na si Rico Blanco, na may background bilang isang musician na mas nagpaganda sa kanilang creative dynamic.
“I love Rico, he is such a kind person, he has such a good heart, and he’s so so talented, and I have no doubts with his acting. He’s a singer, and singers, as well all know, madali sa kanila mag-convey ng mensahe, because that’s what they do, they connect through their music, and that’s what acting is, you connect with your audience as well,” masayang kinuwento ng aktres.
“He has that power to connect to an audience, and that’s basically what you need in acting.”
Dahil sa kanyang role sa Project Baby, mas lumalim ang pag-unawa ng aktres sa bigat at responsibilidad ng motherhood, na nangangailangan ng matinding paghahanda at alignment bago pasukin ang ganitong stage ng buhay.
“Hindi bara-bara ‘yung desisyon na magka-baby. Ang haba ng preparation na kailangan mong gawin.
“You really have to secure ‘yung bata, una sa lahat, and to prioritize someone and to give your all to someone na galing sa ’yo. Siguro it’s best if you find a partner that is on the same page, someone who wants it with you,” pag-amin niya.
Sa huli, nag-iwan si Sue ng isang mahalaga at hard-hitting core message para sa audience, lalo na para sa mga kababaihan. Naniniwala siyang kahit may kalayaan ang mga babae na gumawa ng sariling choices, malaking tulong pa rin ang isang matatag at female-led support system para sa kanilang growth.
“Women can make their choices, but we still need people around us. It doesn’t have to be a romantic partner, it could be our mom, it could be our best friend, but definitely we need someone. And we need a woman who empowers us. Kahit isa lang na may mag-e-empower sa ’yo na babae, ang lakas ng effect niyon sa ’yo. It really lasts.”
Ang realization na ito ang mas nagpatatag ng kanyang paghanga sa absolute strength ng mga kababaihan, na binigyang-diin niya ang divine capability na magbigay-buhay at ang magandang challenge sa pagpapalaki ng isang mabuting tao.
“At the end of the day, women are so powerful. We give life, literally. God has given us that power na makapagbigay at makapag-produce ng bata o ng tao, and how do we take care of that power? How do we take care of that child? Ano ‘yung mga value na ii-instill natin sa kanya? Hindi siya basta-basta… Laging kailangan matapang ka kapag gusto mo magkaanak, kasi hindi na lang sarili mo ‘yung iniisip mo, myroon ka nang mini me na kailangan mong palakihin ng mas better sa pagpapalaki sa ’yo.”
Dahil sa kanyang exceptional acting skills at mas mature na pananaw sa buhay, patuloy na ipinakikita ni Sue ang kanyang excellence sa industriya.
Huwag palampasin ang mga mahahalagang life lessons sa Project Baby, showing na sa mga sinehan nationwide. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com