Thursday , June 11 2026
Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PA
ni Rommel Placente

DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre Yllana.

Paano kasi, nawalan siya ng oras dito at sa kapatid na si Marthena dahil sa sobrang busy niya sa trabaho.

Kwento ni Andre, “Nagkaroon kasi dati ng time na sIyempre busy si mommy. Wala siyang time sa amin.

“Dati hindi ko maintindihan ‘yun na parang, ‘bakit ganoon, hindi makapag-spend ng time si mommy sa amin?’

“So na-realize ko noong lumalaki ako, na kaya pala hindi siya makapag-spend ng time sa amin, kasi nagtatrabaho siya.

“Kailangan niyang maglagay ng pagkain sa plato.

“Noong lumalaki ako na-realize ko na para rin sa amin pala. Kaya nawala na ‘yung tampo ko,” anang binata.

Ngayong nag-aartista na rin si Andre, gusto niya nang bumukod.

“Gusto ko  sanang magkaroon ng sarili kong place. Gusto ko nang umalis kay mommy. Hindi joke lang,” natatawang sabi pa ni Andre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …

Yasmien Kurdi

Yasmien natapos 1st semester sa Law

MATABILni John Fontanilla MASAYANG nag-celebrate si Yasmien Kurdi sa pagkompleto ng kanyang first year sa law school. …

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …