Thursday , May 23 2024
marriage wedding ring

Matapos ang 10-taon pagsasama… Cancer patient, kasintahan nagpakasal, dextrose saksi

PINANGUNAHAN ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pag-iisang dibdib ng isang lalaking may colon cancer at kaniyang kasintahang 10 taon nang nagsasama nitong Sabado ng umaga, 21 Disyembre.

Dakong 10:00 am nang puntahan ni Teodoro ang kanilang maliit na tirahan sa No. 35 Singkamas St., sa Bgy. Tumana upang matupad ang pangarap ng 47-anyos na si Darwin Ballerdo na pakasalan ang kanyang kasintahan na si Heidi Duron, 50 anyos.

Ang dalawa ay 10 taon nang nagsasama at biniyayaan ng isang anak na si Trixie, Grade 3, umiiyak sa tuwa habang nagbibigay ng inspirational message ang alkalde.

Sa isang pusong pagpapalit ng mga panata, si Darwin ay nakaupo sa kanyang upuang nagsilbing kanyang kama na may dextrose sa kaliwang kamay habang si Heidi ay hinahawakan ang isang kamay at nangangako sa kanyang nobyo na sa sakit at sa kalusugan, sa hirap at ginhawa, mag­sasama sila hanggang kamatayan.

Maramdaming paha­yag ni Darwin, “Dada­ma­yan kita kahit anong mangyari. Nandito lang kami lagi. Salamat, Mamu. Dahil kahit na hirap na hirap ako nandi­yan ka sa tabi ko. Sala­mat sa lahat ng tulong mo sa akin. Sana maka-sur­vive ako, sana madag­dagan pa nang marami ‘yung birthday ko, ‘yung buhay ko. Gusto ko pang gampanan lahat ng gusto ko, obligasyon sa aking pamilya, sa anak ko, sa yo (Heidi), sa magulang ko, kapatid ko. Nagpa­pasamalat ako kay Mayor at nandito po siya.”

Ayon kay Darwin, matagal na niyang gustong makasal sila ng kinakasamang si Heidi saka nangako sa anak na lalaban upang humaba pa ang kaniyang buhay.

“Tulad ng singsing, may simula at hangga­nan ba? Wala. Ganyan ‘yung pag-ibig na may­roon tayo sa isa’t isa, walang hangganan. Maaring ang isa sa inyo ay mawala man, pero di mawawala ang pag ibig ninyo,” wika ni Mayor Teodoro.

“Itong pagkakataon na ito ay puwedeng mawala na o bukas ay tapos na, pero ‘yung alaala hindi mawawala, mananatili ito sa isipan ng inyong anak sa puso, damdamin sa alaala ng inyong kapitbahay.

Kayo ay magandang halimbawa ng pag ibig na mayroon sa isa’t isa na kahit kamatayan ay hindi kayo mapag­hihi­walay,” dagdag na pahayag ni Mayor.

Napag-alaman na si Darwin ay isang mananahi at namatay ang unang asawa bago nakilala si Heide at nagsama nang 10 taon.

Sa ngayon, si Darwin ay bedridden na nagdu­rusa sa kanyang sakit na colon cancer.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Lovi Poe Grace Angeles

Lovi ‘di iiwan ang showbiz kahit may asawa na

I-FLEXni Jun Nardo NAG-RENEW muli ng kontrata si Lovi Poe bilang brand ambassador ng SCD beauty at slimming products. …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island …

Batas para sa Propesyonalisasyon ng mga Tagasaling Pilipino, isinusulong ng Kasálin

Batas para sa Propesyonalisasyon ng mga Tagasaling Pilipino, isinusulong ng Kasálin Network

Inilatag ang dalawang bersiyon ng mga panukalang batas para sa propesyonalisasyon ng mga tagasalin sa …

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *