Friday , December 3 2021

66-anyos abogado, 72-anyos negosyante utas sa kuya, 77 (House ownership pinag-awayan sa almusal)

KALABOSO ang 77-anyos retiradong engineer makaraang pagbabarilin at mapatay ang dalawang kapatid na abogado at engineer saka sinila­ban sa loob ng kanilang bahay habang kuma­ka­in ng almusal kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Sa ulat na tinanggap ni EPD director Chief Supt. Bernabe Balba, kinilala ang dalawang biktima na sina Felicito Soriano, 72-anyos, binata, negosyante; at Enrico Castro, 60-anyos, abo­gado, kapwa nakatira sa Peru St., Greenheights Subd., Brgy. Concepcion sa lungsod.

Inaresto ng awtoridad ang kapatid na suspek na si Nilo Soriano, retired maintenance engineer at residente rin sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa pulisya, nag-aalmusal ang mag­ka­kapatid dakong 8:30 ng umaga nang magbanta na papatayin ng suspek  ang dalawa pang kapatid habang nagtatalo tungkol sa ownership ng kanilang bahay.

Hanggang bumunot ng baril si Nilo at pinag­babaril ang mga kapatid na ikinasawi ng dalawa. Hindi pa umano nasi­yahan, binuhusan pa nang isang galon na gas ang bangkay ng dala­wang kapatid at saka sinilaban sa loob ng bahay.

Nauna rito, tinang­kang awatin ng kasam­bahay na si Wilfreda Regonas, 47 anyos, ang suspek ngunit binantaan siya nito at sinabing huwag makialam sa away pamilya at pilit na pina­labas ng bahay.

Nasaksihan ni Rego­nas ang pangyayari ka­ya’t agad na humingi ng saklolo sa pulisya at bombero na ikinadakip ng suspek dakong 10:35 ng gabi na sinabing may 3rd degree burn sa buong katawan kaya kinai­langan dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center nang maapula  ang sunog.

Nakuha sa crime scene ang isang compact handgun at isang maga­zine na wala nang bala.

Kasong double par­ricide ang kinakaharap ng suspek na ngayon ay hawak na ng mga awto­ridad.

ni EDWIN MORENO

About Ed Moreno

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply