Thursday , October 3 2024
Catriona Gray
Catriona Gray

Catriona, sinalubong ng wagayway ng watawat ng Filipinas at awitin ng Lupang Hinirang

NANG manalong Miss Universe si Catriona Gray, nabuksan ang isipan natin sa napakaraming katotohanan na hindi natin napansin noong araw.

Natatandaan ba ninyo iyong panahong kung ano-anong national costume ang ipinagagamit sa ating Miss Universecandidates, mga damit na hindi naman talaga Pinoy kasi ginagawa pala ng isang Columbian designer. Ngayon Pinoy ang gumawa mismo, hindi ba nanalo? Pinoy ang gumawa ng formal gown, panalo rin. Pati sa swimwear panalo rin. Ngayon lang nangyari na may Miss Universe candidate na nanalo sa lahat ng iyan.

Matapos na hindi niya makuha ang Miss World title, talagang desidido si Cat na kunin ang mas malaking Miss Universetitle. Alam niyang kaya niya eh. Kailangan lang niya ng magaling na support. Umalis siya sa dating team at nagbuo ng handpicked niyang glam team. Nanalo siya, at lumalabas na mas matindi ang impact ng panalo niya kaysa ibang mga nanalo in the recent years.

Maliwanag kung ganoon, na walang monopolyo o masasabing masters sa pagtuturo sa mga beauty queen na naghahanda para sa mga international title. Hindi rin kailangan ang mga dayuhang consultant, kaya palang lahat ng Pinoy iyan. Kaya nga iyang panalo ni Catriona, mas nagkaroon ng kahulugan sa maraming Pinoy.

Pero siyempre may mga Pinoy talagang buraot eh. Iyon bang mga bitter, siguro dahil hindi sila bahagi ng panalo ni Catriona, na marami pang sinasabing kung ano-ano. Eh nang manalo si Cat at naging ganoon kalakas ang impact, eh ‘di napahiya sila.

Pero ang nakatawag sa amin ng atensiyon ay ang mga Filipino na nasa labas ng venue ng Miss Universe, na pagkatapos na manalo si Cat, lahat ay nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas at sabay-sabay na umaawit ng Lupang Hinirang. Iyan ang pagmamahal sa bayan na hindi natin madalas masaksihan.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV …

Alfred Vargas

Alfred napagsasabay pag-aaral at pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo PINAGSASABAY ni Konsehal Alfred Vargas ang pag-arte at pag-aaral. PHD naman ang hangad niyang …

Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWANni Ed de Leon VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *