Thursday , November 30 2023

Number coding scheme sinuspendi ng MMDA

Dragon LadyHUWAG na tayo magtaka kung sa lansangan ng Metro Manila ay maging buhol-buhol ang trapiko, dahil sinuspendi ng MMDA at Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ang number coding scheme. Maging ang mga provincial bus ay suspendido sa mga petsang 23, 29 Disyembre at 2 Enero 2017. Awtomatikong suspendido ang pagpapatupad ng number coding kapag holiday at walang coding kapag araw ng Sabado at Linggo.

***

Asahan na magkakaroon ng exodus sa ga residente ng Metro Manila, na bibiyahe patu-ngong probinsiya. Ito ang anunsiyo ni MMDA officer-in-charge at general manager Tim Orbos, dahil magiging fully-booked ang lahat ng provincial bus para ipagdiwang ang araw ng Kapaskuhansa piling ng mga kamag-anak.

***

Tiyak din na gagamitin ng mga nagmamay-ari ng iba’t ibang behikulo ang kanilang pribadong sasakyan, pauwi ng probinsiya, kaya siguradong na huhugos ang matinding trapik partikular sa North Luzon Expressway (NLEx) at South Luzon Expressway (SLEx). Isa pa, idineklarang holiday sa 26 Disyembre, asa-han na mahaba ang pila sa toll gates sa NLEx at SLEx pabalik sa kani-kanilang bahay ang mga naninirahan sa Metro Manila at CALABARZON!

***

Ano pa ba ang aasahan natin? Maski naman hindi Pasko ay grabe ang trapik sa Metro Manila, dahil sa mga murang down payment ngayon sa financing scheme ng mga distributor ng mga sasakyan, kumikita lamang ng P20 mil akda suweldo, naghahangad na ng bagong sasakyan! May P5 thou ka lang may Toyota EON na. Isang maliit na kotse na kapag sinuyod ng malalaking trak sa kalsada, walang bubuhayin na pasahero!

***

Isang masaganang Pasko at manigong Bagong Taon sa lahat! Harinawa, ang administrasyong Duterte ay isang malaking pagbabago ang idulot sa mahihirap na mamamayan!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ …

Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc ‘nabudol’ ni Tambaloslos

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang Makabayan bloc kung inaakalang ang kanilang ginawang pangangalampag sa Kongreso …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

LTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAPAT papurihan si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor …

Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *