Wednesday , December 11 2024

Honor Thy Father, Best Picture by default (41st MMFF, pinakakontrobersiyal na festival)

122815 honor thy father lloydie
MAAALALA itong 41st Metro Manila Film Festival bilang pinaka-kontrobersiyal na festival ever dahil punompuno iyan ng controversy. Ang pinakamalaking dagok, isang araw bago ang awards night, at kung kailan holiday na, walang opisina ang MMDA at hindi na sila maaaring umapela, dinisqualify ng MMDA ang pinakamatinong pelikula sa festival, iyong Honor Thy Father sa Best Picture award.

Ang dahilan ng matalinong MMDA Chairman na si Atty. Emerson Carlos ay dahil naipalabas na raw iyon sa Cinema One Originals, hindi pa niya nabanggit na ang pelikula ay nailabas na rin sa Toronto International Film Festival. Pero simple lang ang tanong diyan. Hindi pala nila gusto dahil nailabas na, bakit iyon pa ang kanilang piniling isali, ‘di sana hindi na lang. Ikalawa, noong isali nila dapat na sinabi nilang ok kasali ka na pero puwera ka sa awards, para naman nagkaroon ng option ang mga producer kung sasali pa sila o hindi na lang. Kasi iyon ang habol nila, maging best picture para makadagdag sa commercial value ng pelikula.

Pero hindi kawalan iyon sa Honor Thy Father, dahil sinasabi naman ng lahat ng mga lehitimong kritiko na ang pelikulang iyan ang pinakamahusay sa lahat ng kasali sa MMFF sa taong ito. Kung kalidad ang pag-uusapan, sapal sa Honor Thy Father ang iba pang kasali. Iyon lang ang talagang pinupuri at inirerekomenda ng mga lehitimong kritiko. Hindi iyon naging box office hit, katunayan sa first day na-pull out na sila sa ilan nilang sinehan. Pero inaasahan sanang makababawi iyon oras na manalo. Pero iyon nga isang araw bago ang awards, sinabi na kanilang talo na sila “by default”.

Ibig sabihin niyan, kung sino man ang napili nilang best picture, iyon ay “best picture by default”, kasi na-disqualify ang pinakamarapat na nanalo sana ng award na iyon dahil sa “technicality”. Ang nakapirma lamang sa “default decision” na iyon ay ang MMDA Chairman. Mas maganda sana kung malaman din ng bayan kung sino-sino ang iba pang gumawa ng desisyon na iyon.

Karapatan iyan ng bayan dahil ang ginagasta ng MMDA sa festival na iyan ay hindi naman nanggagaling sa bulsa ng kanilang chairman kundi pera ring mula sa taxes na ibinabayad ng bayan. Lahat ng nanood ng sine nasingil ng taxes na iyan, lahat sila kung iisipin ay may karapatang malaman kung ano ang nangyayari at kung bakit nagkaroon ng ganyang desisyon.

Sinabi naming ang default decision ay hindi kawalan sa Honor Thy Father. Kasi nga tanggap naman ng lahat na iyan ang pinakamahusay na pelikula at kung sino man ang best picture niyang festival na iyan ay nanalo lamang by default. Kagaya niyong gusto sanang mangyari niyongMiss Universe nang magkamali sila ng deklarasyon, ilipat ni Miss Colombia ang naligaw sa korona kay Miss Philippines. Dapat iyong mananalong best picture, aminin nila na ang natanggap nilang tropeo ay dapat na ibigay sa Honor Thy Father. Ang tawanan nga nila, iyon daw producers ng Honor Thy Father, ”na-Miss Colombia na, na Ninos Inocentes pa”.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *