Thursday , May 2 2024

Sports

PCSO Special Maiden Race

LALARGA sa pista ng Manila Jockey Club Inc. sa Carmona, Cavite ang PCSO SPECIAL MAIDEN RACE sa Pebrero 13. Sa distansiyang 1,500 meters ay maglalaban-laban para sa prestiyosong stakes race ang mga kabayong Cretive (MA Alvarez), Professor Jones (CV Garganta),Kaligayahan (AB Alcasid), Johnny Be Good ( JA Guce), Mighty Pride (Guce), Indianpana (RG Fernandez), Secret Kingdom (RO Niu), Artikulo Uno …

Read More »

Sino ang tatanghaling MVP ng PBA Philippine Cup Finals?

KUNG sakaling makakabawi pa ang Alaska Milk sa tatlong sunod na kabiguang sinapit nito sa kamay ng San Miguel Beer at mapapanalunan pa rin ang kampeonato ng PBA Phiilippine Cup, siguradong si Vic Manuel ang maitatanghal na Most Valuable Player of the Finals. Wala nang ibang manlalaro ng Alaska Milk ang nakikitang puwedeng sumilat kay Manuel na siyang naging Best …

Read More »

NAGIPIT at nais kumawala si Yancy de Ocampo ng San Miguel sa tatluhang depensa na inilatag ng Alaska defenders. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

SMB itatabla ang serye (PBA Philippine Cup Finals)

PAGTABLA ang target ng defending champion San Miguel Beer sa muling pagtutuos nila ng Alaska Milk sa Game Six ng PBA Philippine Cup best-of-seven championship series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Muling nanaig sa overtime ang Beermen sa game Five, 86-73 noong Miyerkoles upang ibaba ang kalamangan ng Aces, 3-2.  Nanalo rin sa overtime ang …

Read More »

Bea Tan at bagong partner sasabak sa Ilocos Sur

MULING mapapalaban si Bea Tan sa paglahok sa Beach Volleyball Republic Tour na gaganapin sa Enero 30-31 sa Cabugao, Ilocos Sur. Ito ang ikalawang yugto ng torneo, na namayani ang tambalan nina Tan at Rupia Inck ng Brazil sa nakaraang sagupaan ng mga pangunahing koponan sa beach volley na itinanghal sa SM Mall of Asia nitong nakaraang Disyembre. Makakatambal ngayon …

Read More »

James, Love binitbit ang Cavs

PATULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference matapos kalampagin ang Phoenix Suns, 115-93 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season. Kumana sina star players LeBron James at Kevin Love upang tulungan ang Cavaliers na hablutin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 32-12 karta. Kahit lamang ang Cleveland, 55-50 ay medyo hindi maganda ang kanilang …

Read More »

RUMARAGASANG lay up ni Chris Ross ng San Miguel na hindi nadepensahan ni Cyrus Baguio ng Alaska sa kanilang laban sa Game Five Finals ng Smart Bro PBA Philippine Cup. Nanalo ang Beermen sa OT,  86 – 73. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Fajardo lalaro kung may Game 7 — Austria

TINIYAK  ni San Miguel Beer head coach Leo Austria na lalaro si June Mar Fajardo sa PBA Smart BRO Philippine Cup finals kung tatagal ito hanggang sa Game 7. Hindi na naman pinaglaro si Fajardo sa Game 4 noong Linggo ng gabi sa PhilSports Arena pagkatapos na mapili siya bilang Best Player ng Philippine Cup. “Before the game, I told …

Read More »

Barrios: Gilas lalaban sa Olympic Qualifiers

SINIGURO ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Renauld “Sonny” Barrios na makakatulong ang homecourt advantage para sa ating bansa sa pagdaraos ng FIBA Olympic qualifiers sa Hulyo. Sa panayam ng DZMM noong Sabado, sinabi ng dating komisyuner ng PBA na ang ipinakitang suporta ng ating mga kababayan sa FIBA Asia noong 2013 ay magiging sandata …

Read More »

Ray Parks gumaganda ang laro (Texas Legends panalo uli)

HUMAHATAW pa rin si Bobby Ray Parks para sa Texas Legends ng NBA D League. Sa kanyang unang laro sa starting five ng Legends ay humataw si Parks ng walong puntos, limang rebounds at isang agaw upang pangunahan ang kanyang koponan sa 114-106 na panalo kontra Idaho Stampede kahapon, oras sa Pilipinas, sa Century Link Arena sa Texas. Naipasok ni …

Read More »

College Player of the Year malalaman ngayon

GAGAWIN mamayang gabi ang taunang parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sa Kamayan-Saisaki Restaurant sa EDSA Greenhills. Inaasahang pipiliin ng mga miyembro ng lupon ang College Player of the Year noong 2015 at ang mga kandidato para sa parangal na ito ay ang mga miyembro ng Collegiate Mythical Five na sina Kiefer Ravena ng Ateneo, Allwell Oraeme ng Mapua, Scottie Thompson …

Read More »

NALUSUTAN ni Calvin Abueva ng Alaska sa kaniyang lay up ang nakabantay na sina Gabby Espinas at Marcio Lassiter ng San Miguel Beermen sa kanilang laban sa Smart Bro PBA Philippine Cup Finals Game Four sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan nanalo ang Beermen sa OT,  110 – 104. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Mark Palomar sasabak sa UGB MMA 13: Foreign Invasion

OFFICIAL weigh-in kahapon Enero 21 ni Underground Battle (UGB) mixed martial arts middleweight champ Mark Palomar ng Filipinas para sa gagawin niyang title fight kontra kay dating One FC competitor Brad Robinson ng Estados Unidos para sa main event ng UGB MMA 13: Foreign Invasion sa Makati Coliseum. Kilala si Palomar bilang isang striker at standup fighter na may malakas …

Read More »

3-0 target ng Alaska

HINDI pa rin maglalaro ang reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo kung kaya’t llamado pa rin ang Alaska Milk kontra San Miguel Beer sa Game Three ng kanilang best-of-seven seryeng pangkampeonato ng PBA Philippine Cup mamayang 7 pm sa Quezon Convention Center sa Lucena City. Napanalunan ng Aces ang unang dalawang laro ng serye. Nakahabol sila sa …

Read More »

Lady Stags babawi ngayon

UMAASA si San Sebastian head coach Roger Gorayeb na makakabawi ang Lady Stags sa Game 2 ng NCAA Season 91 women’s volleyball finals mamayang alas-4 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Ginulat ng St. Benilde ang SSC, 24-26, 25-21, 25-19, 25-13, sa Game 1 noong Martes na pumutol sa siyam na sunod na panalo ng Lady …

Read More »

Hindi puwedeng isakripisyo si Fajardo

“PUWEDE naman naming isakripisyo ang championship ng Philippine Cup. Hindi namin puwedeng isakripisyo si June Mar Fajardo!” Iyan ang nasabi ni San Miguel Beer coach Leovino Austria matapos na matalo sila sa Alaska Milk, 83-80 noong Martes at bumagsak 0-2 sa best-of-seven seryeng pangkampeonao ng PBA Philippine Cup. Hindi pa rin nakapaglaro ang 6-10 higante ng Beermen dahil sa pamamaga …

Read More »

NAPIGILAN ang lay up ni Arwind Santos ng San Miguel nang sabayan ng depensa ni Tony dela Cruz ng Alaska sa ere. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Underground Battle Mixed Martial Arts 13: Foreign Invasion

INIHAYAG kamakailan ng World Series of Fighting – Global Championship (WSoF-GC) ang pagkakaroon ng kasunduan para sa pagtatanghal ng mga pandaigdigang laban sa mixed martial arts na gagamitin ang Filipinas bilang basehan ng kanilang promotion. Kasunod nito, itatanghal ngayong araw ng Biyernes (Enero 22) ang kauna-unahang regional event sa ilalim ng WSoF-GC promotional banner sa pagtatanghal ng Underground Battle mixed …

Read More »

Compton: Hindi dapat magkampante sa game 3

KAHIT may 2-0 na kalamangan ang Alaska Milk sa finals ng Smart BRO PBA Philippine Cup, iginiit ni Aces coach Alex Compton na hindi dapat maging sobra ang kanilang kompiyansa. Nakuha ng Aces ang ikalawang sunod na panalo kontra Beermen pagkatapos na maitala nila ang 83-80 na panalo sa Game 2 noong Martes ng gabi. Naisalba ni Vic Manuel ang …

Read More »

Olympic qualifying tour idaraos sa ‘pinas

HINDI naitago ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan ang kanyang kasiyahan pagkatapos na makuha ng ating bansa ang karapatang idaos ang isa sa tatlong wildcard qualifiers para sa men’s basketball ng Rio Olympics. Bukod sa Pilipinas, gagawin din sa Serbia at Italya ang dalawa pang torneong sabay na gagawin mula Hulyo 4 hanggang 10 …

Read More »

Bowles balik-Star

KINOMPIRMA ng board governor ng Purefoods Star na si Rene Pardo na babalik si Denzel Bowles bilang import ng Hotshots para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula na sa Pebrero 10. Darating si Bowles sa susunod na linggo. “Yes, confirmed na si Denzel na maglalaro sa amin,” wika ni Pardo.  “Nag-request lang ng konting extension dahil nagkasakit yung nanay niya. …

Read More »

Low Profile magaan na nagwagi

Magaan na nagwagi ang kabayong si Low Profile na sinakyan ng kanyang regular rider na si Mark Angelo Alvarez sa naganap na unang malaking pakarera na 2016 PHILRACOM “Comissioner’s Cup” Race. Sa largahan ay magaan na nakuha nila ang harapan at bahagyang nakalayo ng may apat na kabayong layo sa mga nakalaban. Paglagpas ng medya milya ay biglaang nakadikit ang …

Read More »

2-0 asam ng Alaska

SASAMANTALAHIN ng Alaska Milk ang pagkawala ni June Mar Fajardo at sisikaping maibulsa ang ikalawang panalo kontra San Miguel Beer sa Game Two ng PBA Philippine Cup best-of-seven championship series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Napanalunan ng Aces ang series opener, 100-91 noong Linggo matapos na mablangko ang Beermen sa huling 1:57 at gumawa ng …

Read More »

Fajardo malabong makalaro sa game 2

MALABO pa ring makalaro si June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer sa Game 2 ng Smart BRO PBA Philippine Cup finals mamayang gabi. Ni anino ni Fajardo ay wala sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo para sa Game 1 kung saan natalo ang Beermen kontra Alaska, 100-91. Ayon kay SMB coach Leo Austria, umuwi kaagad si Fajardo mula …

Read More »

NCAA volleyball finals magsisimula na

LALARGA na ngayong hapon ang finals ng women’s at men’s volleyball ng NCAA Season 91 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Tampok na laban sa alas-kuwatro ang Game 1 ng women’s finals na paglalabanan ng San Sebastian College at College of St. Benilde. Nakuha ng Lady Stags ang unang puwesto sa finals pagkatapos na walisin nila ang …

Read More »