Friday , January 21 2022
Angelo Abundo Young

IM Young paborito sa ‘Pasalamat Festival 2022 Individual Rapid Chess championship

PABORITO  sa hanay ng mga lalahok ang  8-time Illinois, USA chess champion International Master (IM) Angelo Abundo Young sa paglarga ng Mayor Samuel “Sammy” S. Co Pasalamat Festival 2022 Individual Rapid Chess Champion­ship (Over the Board) sa 12 & 13 Enero 2022 na hahataw  sa Rotunda Building 2nd Floor sa Pagadian City.

Ang  dalawang araw na  event ay suportado ni Mayor Samuel “Sammy” S. Co, ng Pagadian  na inorganisa ng PagZamSur Professional Chess Players Association at ng Brotherhood of Knights of the Squaretable, Inc.

“I’m hoping for the best but the field is really tough,”  sabi ni Manila resident Young na nakatakda rin lumahok sa National Master Zulfikar Sali Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship sa 22 & 23 Enero 2022 sa  Zamboanga City.

Ang iba pang su-sulong sa  Rapid event ay sina National Master Joey Florendo, National Master Paulo James Florendo at National Master Raymond Salcedo ng Zamboanga City, Roumundo Edades ng Lapuyan, Zamboanga del Sur, Jones Maghuyop ng Margosatubig, Zam­boanga del Sur, Michael Ambuang ng Dipolog City, Joel Fernan ng Pagadian City, at Ghian Michael Basilad Aleria ng Panabo City, Davao del Norte.

Tatanggap ang  magkakampeon ng P15,000. Ang second placer ay  P10,000, third P6,000, fourth P4,000, fifth P2,000 at sixth P1,000.

“Players must be vaccinated to join (single dose is considered),” sabi ni Jezreel Lopez.

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …