Tuesday , July 23 2024
Philippine Sports Commission PSC Interworld Enterprises

PSC tumanggap ng 400 liters ng ‘disenfectant’ na donasyon ng Interworld Enterprises

TINANGGAP ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 400 liters ng ‘disenfection chemicals’ na donasyon ng Interworld Enterprises noong isang araw sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Ang 20 containers ng Nobac Urban organic-based deodorizer dis­infectant na may lamang 20 liters kada isa ay opisyal na tinanggap ni PSC Engineering staff Daniel  Espino para gamitin sa ‘disenfection’  sa pasilidad ng PSC ng main administrative building sa loob ng RMSC at sa PhilSports Complex sa Pasig.

Sinabi ni PSC Exe-cutive Director Atty. Guilldermo Iroy, Jr., ang PSC ay lubos na nagpa­pasalamat sa suporta mula sa mababait na kaibigan at colleagues mula sa pribadong sektor.  Ang donasyon na disinfectants ay malaki ang maitutulong ngayong ang ahensiya ay mag-dodoble ng paglilinis dahil sa pagtaas ng kaso ng  CoVid-19  sa bansa.

Simula nang pumutok ang pandemic, ang PSC management ay regular na nagsasagawa ng kanilang ‘disinfection activities’ pagkatapos ng office hours tuwing Lunes, Miyerkoles, Biyernes at tuwing weekends para maiwasan ang pagkalat ng virus at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at staff.

About hataw tabloid

Check Also

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang …

Tristan Jared Cervero Chess

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo …