Friday , January 21 2022
Jeremy Miado The Jaguar

Morale ni Miado mataas nang lumipat sa Marrok Force

PABORABLE  ang resulta para kay Jeremy “The Jaguar” Miado nang lumipat siya sa Marrok Force MMA gym sa Bangkok dahil nagkaroon siya ng matinding pagbabago sa ONE Circle.

Ipinakita ng Filipino strawweight sa kanyang ‘bashers’ na kaya niyang talunin muli si Miao Li Tao via second-round technical knockout win sa ONE: NEXTGEN nung Oktubre.

“I’m very glad because I was able to show to everybody that I am for real,” sabi niya. “After my first win against Miao [at ONE: AGE OF DRAGONS in 2019], many people thought I just got lucky, especially with our fight being held there in China. But in this second fight, I showed them that Pait wasn’t luck.”

Ang nasabing panalo ni Miado ay nakapagpa­pataas ng morale na nag-improve ang kanyang rekord sa 10-4 at sa wakas ay nailista niya ang unang panalo sa ‘The Home of Martial Arts.”

“That win really boosted my confidence. As an athlete, to win back-to-back fights shows that I am really improving after every fight. I was also able to prove to myself that I do deserve to be fighting here,” pahayag niya.

Sa ngayon ay target ni Miado ang umakyat nang husto sa hanay ng mga kontender  para maka­rating sa ituktok at mag­karoon ng karapatang hamunin para sa ONE Strawweight World Championship na sa kasalukuyan ay hawak ng kababayang si Joshua “The Passion” Pacio ang belt.

Unti-unti ang pag-hakbang ni Miado sa inaasam.   Ang susunod niyang makakalaban ngayong taon  ay si Senzo Ikeda ng Japan sa Enero 14 sa Singapore.

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …