Sunday , March 26 2023
PSC Rise Up Shape Up

Sports Officiating sa PSC Rise Up Shape Up tinalakay

TINALAKAY  ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tungkol sa Filipino International sports officials sa webisode ng Rise UP, Shape Up nung Sabado, Oktubre 23.

Ang PSC – Women Sports (WIS) program ay inalay ang episode sa sports officials na nagbibigay ng matinding pagpupusige at kontribusyon para maiangat ang integridad, respeto, at good sportsmanhip sa laro at kompetisyon.

“It is our simple way of extending our gratitude to them for their selfless effort, passion, and love for sports especially in producing world-class Filipino talents,” pahayag ni  WIS oversight Commissioner Celia H. Kiram.

Ang lady commissioner ay ibinahagi rin ang ilang facts at trivia ng sports officiating sa kanyang regular na segment “Kuwentong Isport,”

Tampok ang limang Filipina technical officials na naging parte ng technical teams sa katatapos lang na 2020+1 Tokyo Olympic Games  sa naging webisode.   Sila ay sina  Marilee Estampador at Karla Cabrera, International Technical Officials for Fencing; Jercyl Lerin at Coach Leonora Escollante, International Technical Officials for Rowing and Paddling, ayon sa pagkakasunod.

Ibinahagi  nila ang kanilang ‘learning experiences’ sa officiating sa top-level competitions katulad ng Olympics at nagparte rin sila ng ‘insights’ para sa mga may balak na sumabak sa sports officiating bilang career.

Kasali rin sa programa si Dr. Marie Paz Angeles, na nagpahayag tungkol sa tatahaking career at development para nagbabalak na maging sports officials.

Si Dr. Angeles ay  nagsilbing  Head and International Accreditor of Tarlac State University in partnership with the Russian Register based in St Petersburg, Russia. Siya ay kasalukuyang Chairperson ng Tarlac State University Research Ethics and Review Committee at co-chair ng Psychological Association of the Philippines Educational Psychology Division.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …