Thursday , January 27 2022
PSC PPG PhilSpADA PPC NCDA IPAO

PSC magdadaos ng webinar series para sa Para-Athlete

NAKATAKDANG ma­ging host ang Philippine Sports Commission at Pilipinas Para Games (PPG)  sa kauna-unahang online webinar series kung paano hawakan ang training ng differently-abled athletes na lalarga sa Setyembre 20.

Mahigit sa 800 para athletes, coaches, local government representatives ang makikibahagi sa three-part webinar series na may layong matukoy ang pangangailangan na tunay na komprehensibong grassroots sports development program para sa mga PWD.

“We heed the call of PSC Chairman Ramirez for the transformation and further development of para sports. This webinar will not only raise awareness, but will also boost our knowledge on handling them,” sabi ni PSC Oversight Commissioner for para-athletes Arnold Agustin.

Sina National Council on Disability Affairs (NCDA) Regional Programs Officer Randy Calsena at 2000 Summer Paralympics powerlifting bronze medalist Adeline Dumapong-Ancheta ang mangunguna sa unang webinar, para magbahagi ng kanilang kahusayan sa topic of  ‘Sensitivity Webinar on Handling and Training Para-Athletes’.

Sa ikalawang webinar sa Setyembre 21, naka-pokus ito sa  ‘Classification of Para-Athletes’ with Integrated Philippine Association of Optometrists – National Classifier for Visually Impaired (IPAO-NCR) Dr. Maria Concepcion Fabreo-Anda, and Philippine Orthopedic Center – Department of Rehabilitation Medicine Chief and Philippine Paralympic Committee (PPC) Head Classifier for Physical Impairment Dr. Raul Michael Cembrano.

Samantalang ang ikatlong  webinar ay nakapokus sa  ‘Rights and Privileges of Para-Athletes in the Philippine’ sa  November 22.

“These topics give a great opportunity for our sporting community to be informed on the fundamental and scientific approach of para sports, and ultimately emulate the recent success of our Tokyo Paralympians,” sabi pa ni Agustin.

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …

Leave a Reply