Wednesday , June 29 2022
Mobile Chess Club Philippines

OJ Reyes hari sa Mobile Chess Club Ph rapid edition

BUO ang loob ni  National Master (NM) Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng  Santa Rita, Pampanga nang habulin at talunin  sa huling sigwada ang kababayang si Christian Tolosa ng Imus City, Cavite, 4-3, sa isang Armageddon penalty shootout para maghari  sa Mobile Chess Club Philippines Match Up Series Rapid Edition online tournament virtually na ginanap nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 sa Chess.com Platform.

Sina Reyes at Tolosa ay parehong nakapaglista ng 3 points  matapos ang anim na laro.  Tangan  ang itim na piyesa at tabla lang ang kailangan ng huli para manalo sa match sa extra tie breaker, pero hindi sumuko  ang 10-year-old Reyes at matiya­gang pinag-isipan ang laban hanggang sa mamate niya ang siyam na taong gulang na si  Tolosa na Grade 4 student ng Buhay Na Tubig Elementary School sa Imus City, Cavite matapos ang 69 moves ng Queen’s Gambit Declined, Three Knights Variation.

Bandera si Tolosa,  0-2,  sa Rapid play (10 +10) matapos ang first two points, race to 2.5 points (Best of four games), draws will be counted ay nagawa din ni Reyes manalo sa next two games para makapuwersa sa tie ang score matapos ang regulation (2-2 score).

Sa 2 blitz game (5+3 time control) tie-break ay nauwi  sa tabla ang dala­wang  games para hu­man­­­tong sa armageddon games sa 16 years old and below tournament na adopted ang meltwater format tampok ang dalawang batang man­lalaro  ng Philippine Chess.

Si  OJ ay nakatakdang maglaro  sa Eastern Asia Youth chess championship mula Oktubre 1-3, 2021.

Nasungkit  niya ang titulo ng National Master (NM) matapos maghari sa 2021 National Age Group Hybrid Chess Champion­ships Grandfinals  Under-10 division na ginanap online via  Tornelo platform nitong Hunyo 26 hanggang 29, 2021.

About hataw tabloid

Check Also

Volleyball Nation's League VNL

France walang talo sa VNL’s QC Leg

IPINANALO lahat ng France ang apat nilang laro sa ikalawang linggo ng Volleyball Nation’sLeague (VNL). …

FIBA Asia U16 Division B

Syria giba sa Gilas sa FIBA Asia U16 Division B

MANILA, Philippines—Nananatiling walang talo ang Gilas Pilipinas Women  nang paluhurin nila ang Syria 92-86 sa …

Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo-Bivol rematch mangyayari sa 175 pounds

KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol,  mangyayari ang …

PCAP Chess

Tacloban, Pagadian tigbak sa  Laguna  sa PCAP online chess tourney

MANILA—Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) …

UMak Chess Team

UMak kampeon sa ched sports friendship games

TINANGHAL na overall champion ang  University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team  sa katatapos …

Leave a Reply