Wednesday , February 1 2023
ONE Championship

10th anniversary ng ONE Championship ipagdiriwang sa Disyembre 5

MAGIGING host ang  Singapore-based martial arts organization na ONE Championship sa pinaka­aabangang 10th anniversary event sa Disyembre 5 na may titulong “ONE X.”

Ibinahagi ni company’s Chairman at CEO Chatri Sityodtong ang balita sa naging panayam niya sa betera­nong MMA journalist  Ariel Helwani sa MMA Hour.

Kasama sa inanunsiyo ni Sityodtong ang tatlong matitinding martial arts bouts na hahataw.

Ang nakakabiglang inanunsiyong inilahad niya sa nasabing show ay ang ‘special rules’ fight sa pagitan nina MMA legend Demetrious “Mighty Mouse” Johnson at pound-for-pound Muay Thai king Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon.

Si Johnson ay ang dating multiple-time UFC flyweight champion na naging miyembro ng ONE noong 2019.   Simula noon, inangkin niya ang ONE Flyweight World Grand Prix Championship, at hinamon ang ONE Flyweight World Title  ang kasalukuyang kampeong si Adriano Moraes.  Natalo siya via knockout.

Samantalang si Rod­tang, ay ang kasalukuyang ONE Flyweight Muay Thai World Champion at kinukunsiderang isa sa mabagsik na strikers sa martial arts.

Ang laban ay merong four, three-minute rounds.  Rounds one at three ay paglalabanan sa ilalim ng ONE Super Series Muay Thai Rule Set, samantalang ang rounds two at four ay mag­sasalpukan sila sa Global Mixed Martial Arts Rule Set.

Sa karagdagang balita, inanunsiyo rin ni Sityod­tong ang dalawang world title contests.

Ang iba pang adisyunal na laban ay ihahayag ng organisasyon sa mga darating na linggo.

Samantala, ang ONE Championship ay magbabalik sa Biyernes, Setyembre 24 sa ONE: REVOLUTION, na ibo-broadcast ng live sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.

“In the main event, reigning ONE Lightweight World Champion Christian Lee defends his title against #3-ranked lightweight Ok Rae Yoon. In the co-main event, ONE Bantamweight Kick­boxing World Champion Capitan puts his belt on the line against Mehdi Zatout,”  pahayag pa ni Sityodtong.

About hataw tabloid

Check Also

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

OLONGAPO – Ipinamalas ng Filipino-Spanish na si Fernando Jose Casares ang kanyang tibay, lakas at …

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …

Leave a Reply