Saturday , May 21 2022

GM Antonio sasalang sa simul chess exhibition sa QC

ILALARGA ni  13-times National Open Champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang isang simultaneous chess exhibition sa Nobyembre 10 sa ika-4 na distrito ng  Quezon City.

“Malaki ang maitutulong ng exhibition ni Antonio para sa  mga manlalaro ng chess sa  4th district ng  Quezon City,” sabi ni Mr. Rudy Rivera, ang brain child ng nasabing grass roots chess activity.

“November 10 is the target date to launch the simultaneous chess exhibition in Barangay Tatalon, Damayang Lagi and Dona Imelda.” dagdag pa ni G. Rivera na isa ring kampeon ng chess  sa Quezon City.

Ang layunin ng  nasabing event ay para mahasa  ang mga lalahok sa kanilang abilidad na  makapag-analisa ng problem-solving sa chess.  Ang  punong abala ay si Quezon City fourth district councilor Janet “Babes” Malaya sa pakikipagtulungan ng Barkadahan Para sa Bansa Party List sa gabay nina Atty. Nolan V. Banda at Dr. Ariel B. Potot.

“We’re doing this to promote chess in the grassroots level,” sabi ni Antonio, 2015 Quezon City most outstanding citizen awardee sa field ng sports.

” We would like to thank Quezon City fourth district councilor Janet “Babes” Malaya in close cooperation with Barkadahan Para sa Bansa Party List headed by Atty. Nolan V. Banda and Dr. Ariel B. Potot for supporting this chess event,” ani pa GM Antonio.

MARLON BERNARDINO

About Marlon Bernardino

Check Also

Metro Manila Turf Club

Metro Manila Turf Club, Inc.
Race Results & Dividends
Sabado (May 14, 2022)

R 01 – CONDITION RACE ( 17-18 MERGED ) Winner:  PALIBHASA LALAKE (6) – (K …

Floyd Mayweather Jr Don Moore Anderson Silva Bruno Machado

Exhibition match ni Mayweather sa Dubai kanselado

KINANSELA ang exhibition fight ni  Floyd Mayweather Jr. kay Don Moore  na mangyayari sana kahapon …

Agatha Wong

31st SEA Games
AGATHA WONG SILVER SA TAIJIQUAN

HANOI – Nagwakas ang pamamayagpag ni Agatha Wong bilang taijiquan queen sa Southeast Asian Games …

Kickboxing Francis Tolentino

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago …

Hanoi SEA Games Philippines Gold

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole …