Monday , October 14 2024
United Nations UN International Day of the Girl Child, PSC, Rise Up Shape Up,

‘Int’l Day of the Girl Child’ sinelebra ng PSC sa Rise up Shape up

SUMALI ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng United Nations (UN) para sa International Day of the Girl Child 2021 sa paghahandog ng special webisode ng Rise Up Shape Up  sa UN’s girls empowerment campaign.

Ang episode na may titulong “My Voice, Our Equal Future” ay tinalakay kung paano ang sports ay nakakapag-ambag sa kanilang pag-unlad at pagsulong

“PSC is all about strengthening the country’s sports industry and encouraging all Filipinos to aspire for sports excellence, including young girls, and we hope that Rise Up, Shape Up helps us achieve this goal,” pagpapaliwanag ni  PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Tampok sa episode ang limang batang Filipino sports champions na nagbahagi  ng kanilang athletic journeys, lalo na sa panahon ngayon na nagiging digital na ang mga bagay.

Lumahok din sa program ang Digital Commununications expert na si Rona Joy bulaong at Cagayan State University College of Human Kinetics Assistant Professor Robin Darwin Tuliao na parehong nagbigay ng kanilang insights para higit na maintindihan ang girl athletes at matulungan silang makamtam ang kahusayan sa digital age.

Isinalarawan ni Women in Sports Commissioner Celia H. Kiram ang Rise Up, Shape Up    “as a platform that encourages girls to actively co-lead in the journey of digital transformation while practicing sports. This web series has demonstrated that it is possible to navigate through the digital realities and challenges while staying true to our commitment to supporting women and girls in sports,” sabi ni Kiram.

“We want kids watching our show to be motivated to be athletes and sports champions. We also want to reach out to parents to guide and support their children who want to be the next generation of Filipino elite athletes.” dagdag ni  Kiram na tatalakayin ang tungkol sa girl sports champions sa kanyang  “K-Isport” segment.

About hataw tabloid

Check Also

Tao Yee Tan Marian Capadocia LA Canizares Pia Cayetano Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Wagi sa Asia Pacific Padel Tour – Singapore; Tan-Capadocia unang All-Filipina Champions

Kampeon ang Padel Pilipinas at National Team Members na sina Tao Yee Tan at Marian …

TOPS

Gymnastics at Pickleball sa TOPS Usapang Sports ngayon

Kaganapan sa sports na gymnastics at pickleball angg sentro ng usapin sa pagbabalik ng Tabloids …

PH Shooting Team kumpiyansa sa SEASA Championships

PH Shooting Team kumpiyansa sa SEASA Championships

MASUSUKAT ang kahandaan ng mga Pinoy shooters sa kanilang pagsabak sa 46th Southeast Asian Shooting …

100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships …

Andrew Kim Remolino Erika Nicole Burgos National Age Group Aquathlon

Remolino, Burgos wagi sa National Age Group Aquathlon

SI Andrew Kim Remolino ay muling naipagtanggol ang titulong men’s elite sa National Age Group …