Friday , January 21 2022
Jerwin Ancajas

Ancajas vs Martinez para sa IBF title fight

NAKANSELA ang unification fight sa pagitan nina IBF junior bantam­weight champion Jerwin Ancajas at WBO titlist Kazuto Ioka, kaya maba­baling ang atensiyon ng Pinoy champ kay Fernando Daniel Martinez ng Argen­ti­na na pansamantalang ikinasa  sa 19 Pebrero sa New York o sa New Jersey.

Ang itinakdang laban ni Ancajas kay Martinez ay nangyari dahil sa pag­kadiskarel ng laban ng IBF champ kay Ioka na nakatakdang mangyari noong Biyernes sa Tokyo.   

Nakansela ang nasabing laban dahil sa paghihigpit ng Japan sa ‘foreign travelers’ na pumasok sa kanilang border simula pa noong 30 Nobyembre, sa pag-iingat na kumalat sa bansa ang coronavirus variant Omicron.

Si Ioka ay mapapa­laban sa kanyang kaba­bayang si Ryogi Fukunaga para sa New Year’s Eve show sa Ota-City Gymnasium sa Tokyo.

Para hindi rin masa­yang ang ginugol na matinding training ng kaliweteng 29-anyos mula sa Panabo, idedepensa niya sa ika-10 pagkakataon ang kanyang korona  laban kay Martinez.

Huling umakyat sa ring si Ancajas noong Abril, nang talunin niya via unanimous decision si Jonathan Javier Rodriguez sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Si Martinez ay aakyat sa ring laban kay Ancajas na may impresibong kartang 13 wins, walang talo na may 8 KOs. Ito ang kanyang unang salang sa US.  

May impresibong huling panalo si Martinez noong Agosto sa Dubai nang patulugin niya si Gonzalo Garcia  sa 4th round.

Aakyat si Ancajas sa ring na taglay ang IBF junior bantamweight title na hawak niya sa loob ng 65 buwan. Siya ang ikatlong boksingero na may pinakamahabang rekord na naghari sa kanyang dibisyon.  

Una sa listahan si WBC featherweight titlist Gary Russell, Jr.,  may rekord na 31-1, 18 KOs. Hawak niya ang titulo simula noong Marso 2015; at si WBA strawweight champion Thammanoon Niyomtrong (23-0, 9 KOs) na nag­kampeon noong Hunyo 2016.

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …