Thursday , December 18 2025

TimeLine Layout

June, 2014

  • 27 June

    PNoy tiwala pa rin sa PAGCOR chairman

    BUO pa rin ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Cristino “Bong” Naguiat, Jr. Ito ang sagot ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa pagharang ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa posibleng muling pagtalaga ni Pangulong Aquino kay Naguiat at iba pang opisyal ng PAGCOR. Aniya, may mga nakatakdang proseso …

    Read More »
  • 27 June

    Tiwaling emission testing center imbestigahan

    NAALARMA si Senador Bam Aquino sa ulat na ilang emission testing centers ang sabit sa illegal na aktibidad tulad ng non-appearance o ghost testing ng mga sasakyan kapalit ng dagdag na bayad. “May mga ulat na hindi tinutupad ng pribado at pampublikong emission testing center ang kanilang tungkulin sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling emission compliance certificates (ECCs),” …

    Read More »
  • 27 June

    2 obrero niratrat sa tagayan (Anak ‘di natagpuan)

    KAPWA nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ng dalawang obrero makaraan pagbabarilin ng isang kalugar na hinahanap ang nawawalang anak sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Sonny Ramos, 45, tinamaan ng bala sa tiyan, at Wilfredo Dela Cruz, 42, tinamaan ng bala sa balakang, kapwa residente ng 34 Merville Subd,. Brgy. Dampalit …

    Read More »
  • 27 June

    P150K ng doktor nakobra sa ATM hacking

    NAGLAHO ang P150,000 savings ng isang doktor makaraan ma-withdraw mula sa kanyang Automated Teller Machine (ATM) card ng hindi nakikilalang “hacker” sa tatlong magkakahiwalay na petsa sa Maynila. Kinilala ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Rafael Chan, 41, ng 531 Asuncion St., Binondo, Maynila, inireklamo ang pagkawala ng kanyang pera sa ATM. Aniya, nitong Hunyo …

    Read More »
  • 27 June

    Mag-asawa todas sa fish vendor

    KAPWA nalagutan ng hininga ang mag-asawa nang pagsasaksakin ng fish vendor nang magtalo kaugnay sa mahal na presyo ng isda kamakalawa sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon. Namatay habang ginagamot sa Vicente Peralta Memorial Hospital ang mga biktimang sina Romeo at Wilma Legazpi, residente ng Brgy. Macalaya ng nabatid na bayan. Samantala, nadakip sa follow-up operation ng pulisya …

    Read More »
  • 27 June

    West PH sea inangkin ng China sa mapa

    HINDI pwedeng ibatay lang sa drawing ang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea. Ito ang bwelta ng Palasyo sa inilabas na bagong mapa ng China na kasali na ang pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea na halos umabot na sa Palawan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kahit may sinasabing batayan sa kasaysayan ang …

    Read More »
  • 27 June

    Metro binaha (Flood alert inalarma)

    NAGLABAS ng babala ang PAGASA ukol sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila. Ayon sa PAGASA, epekto ito ng papalapit na low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa. Sinabi ni PAGASA forecaster Alvin Pura, inaasahang tatagal ang malakas na buhos ng ulan hanggang gabi kaya pinapayuhan ang mga residente …

    Read More »
  • 27 June

    Utol ng VM, 2 pa tiklo sa pot session

    CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pulisya ang tatlo makaraan maaktohan habang nagpa-pot session sa loob ng isang bahay sa Purok 2, Brgy. Puerto sa lungsod ng Cagayan de Oro. Kabilang sa mga arestado si Porferio Moreno Roa Jr., kapatid ni Balingasag Vice Mayor Marietta Roa Abogado, ng Misamis Oriental. Inihayag ni Misamis Oriental Governor Yevgeny Vincente “Bambi” Emano, …

    Read More »
  • 27 June

    2 dayuhan nalason sa gas leak (6 pa sugatan)

    TACLOBAN CITY – Dalawang Icelanders ang hinimatay makaraan malason sa nangyaring gas leak sa Biliran Geothermal Incorporated (BGI) sa Biliran. Habang anim trabahador pa sa nasabing planta ang nasugatan dahil sa insidente. Napag-alaman, dalawa sa walong trabahante ng nasabing site ay Icelanders at mga kinatawan mula sa Icelandic engineering firm na Mannvit. Ayon kay Eyjólfur Árni Rafnsson, managing director ng …

    Read More »
  • 27 June

    32 mangingisda nasagip sa Bolinao (8 araw palutang-lutang sa dagat)

      DAGUPAN CITY – Inaasahang makababalik na sa kanilang mga pamilya ang 32 mangingisda mula sa Wawa, Nasugbu, Batangas na nasiraan ng bangka habang papunta sa Mindoro. Ito ay nang masagip makaraan ang walong araw na pananatili sa gitna ng karagatan sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. Ayon kay Fred Castello, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng …

    Read More »