Thursday , December 12 2024

Suspensiyon ni Tayabas Mayor Dondi Silang may umiipit sa DILG?!

00 Bulabugin

HANGGANG ngayon pala ay ‘matibay’ pa rin ang koneksiyon ni Tayabas Mayora ‘este’ Mayor Dondi Silang sa mga kasabwat niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon Province.

‘Yan umanong mga kasabwat na ‘yan ni Mayor Dondi, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nasususpendi si Mayor Dondi at ‘yung mga tinatawag na kanyang ‘cohorts’ sa City Council.

Ang kaso ni Mayor Dondi at kanyang mga kasama ay mayroong case number OMB-L-A-11-0577-J/OMB-L-11-0667-J, De Torres, Et Al. Vs. Silang Et Al.

Naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Silang sa nasabing kaso gamit ang Aguinaldo Doctrine na hindi pwedeng suspendihin ang mayor, vice mayor at mga konsehal ng City Council dahil wala na umanong matitirang opisyal na mamamahala sa local government unit ng Tayabas.

Pero hindi ito tinanggap ni Ombudswoman Conchita Carpio-Morales kaya inutusan ang DILG Quezon sa pamumuno ni provincial director ENRICO O. DAMOT na ipatupad ang suspensiyon ni Silang Et Al.

Nitong Hunyo 2014 lang po ‘yan, pero nakapagtataka na Agosto na ‘e hindi pa rin nasususpendi ang TROPA NI DONDI.

E bakit?!

MISSING daw kasi sa DILG ang Ombudsman suspension order sa TROPANG DONDI.

Ibig sabihin ba n’yan ‘e sinusuway ni Damot ang utos ng Ombudsman?

O totoo ang balita na ‘MALAKING HALAGA’ umano ang pinakawalan ng TROPANG DONDI para hindi ipatupad ng DILG Quezon ang suspensiyon?!

Masamang kostumbre ‘yan Mr. DAMOT …

Ang DAMOT naman ng KATARUNGAN para sa constituents ng Tayabas.

Kailan ninyo ipatutupad ‘yan, Mr. Damot?!

Paging OMBUDSMAN!

BETTY CHUWAWA AT ANNIE SIY ‘REMOTE CONTROL’ FIXING SA BUREAU OF IMMIGRATION
(ATTN: SOJ LEILA DE LIMA)

NAG-LEVEL UP na pala ang fixing operation ng dalawang notoryus fixer na sina Betty Chuwawa at Annie Siy sa Bureau of Immigration (BI).

Mainit sila ngayon sa BI Civil Security Unit (CSU) dahil mahigpit silang pinababantayan ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ‘e ginagamit nila ‘yung isang alias “NANNY” sa kanilang fixing activities.

Madalas nga raw makita na maraming bitbit na envelope at dokumento si “NANNY’ kapag pumapasok sa BI main office.

Sila rin ngayon ang tumatrabaho sa mga overstaying Chinese nationals.

Ayon sa ating mga source, para nga naman hindi ma-BLACKLIST, magbayad ng malaking penalty at makakuha ulit ng VISA sa China ang mga overstaying Chinese nationals ‘e pinalulusot nilang makalabas nang ‘AYOS’ sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA T2).

Umaabot sa P80,000 hanggang P100,000 bawat ulo ang bayaran.

Isa umanong alyas ‘PWET’ ang kasabwat nina Betty Chuwawa at Annie Siy sa NAIA T2 para alalayan ang mga pinalalabas nilang overstaying Chinese nationals.

Magaling daw magkamada si alyas P’WET.

Alam na alam n’ya ang duty/assignment ng mga Immigration Officers sa biyaheng China at Hong Kong.

Itinatapat niya ang palulusotin na Chinese pax sa mga IO na kayang-kaya niyang tsubibohin!

Madali raw makilala si alyas ‘P’WET’, siya raw ‘yun mahilig magsipsip-kuhol at mag-text kay Comm. Fred Mison kahit hindi sa kanya ang accomplishment?!

Ayon pa sa ating unimpeachable source, mahina ang 10 overstaying Chinese nationals na ikinakamada nina Betty Chuwawa at Annie Siy bawat linggo.

Kaya kung totongo-tongo lang ang mga CSU para bantayan ‘yang dalawang beteranong fixer sa Immigration main office na sina Betty Chuwawa at Annie Siy ‘e kayang-kaya lang silang paikutin ng ‘remote control nanny’ ng dalawa.

Huwag na kayong magtaka kung bakit EVERYDAY HAPPY na naman sina ‘P’wet, Betty, Annie and Nanny.

SENADO LAGLAG SA SWS SURVEY

‘E ano pa nga ba ang aasahan natin?!

Tingin n’yo ba e ‘yung tatlong ‘OUTSTANDING’ na Senador na sina Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada lang ang sangkot sa katiwalian (PDAF scam)?!

Hindi ba’t marami nga sa kanila ‘e nasa ‘GRAY’ area?!

Si Senate President Franklin Drilon nga lang ‘e pinagdududahan din ng taong bayan lalo’t naglabasan ang mga retratong kasama nila ng kanyang misis si Janet Lim Napoles.

Hindi ba’t nagde-deny pa si Drilon noong una na hindi n’ya kilala si Janet Napoles!?

Wala tayong makitang ‘mabango’ para hindi bumagsak ang popularidad ng Senado.

Alam natin na mayroon ilang Senador na nagsisikap linisin ang ‘dungis’ na ikinulapol ng ilang kasamahang mambabatas pero hindi pa malilimutan ng sambayanan ang pandarambong ng ilan.

Kaya huwag kayong magngangawa mga Kagalang-galang na Senador, talagang ganyan, sabi nga ‘e, ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

1st Celebrity Golf Tournament dinagsa

1st Celebrity Golf Tournament dinagsa

WELL ATTENDED ang unang Celebrity Golf Tournament project ni MMDA/MMFF Chairman Romando Artes para sa 50th Metro Manila Film Festivalna …

Aicelle Santos Nora Aunor Ricky Lee Isang Himala

Ate Guy may pasabog sa Isang Himala; Aicelle Santos kinilig

NAPATULALAang karamihan sa mga dumalo sa grand mediacon ng Isang Himala nang magpa-unlak ng isang …

Vice Ganda And The Breadwinner Is

Vice Ganda inamin sumasailalim sa therapy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EMOSYONAL na ibinahagi Vice Ganda na nagpapa-therapy siya dahil sa kanyang mental health …

Topakk Julia Montes Arjo Atayde

Julia buwis-buhay sa Topakk, galing na galing kay Arjo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DELIKADO at buwis buhay ang mga aksiyong ginawa ni Julia Montes sa …

Vilma Santos Judy Ann Santos

Juday naiintindihan pagtanggi ni Ate Vi — May ibang materyal na puwedeng pagsamahan

MARICRIS VALDEZ “MAY perfect project na mas meant para sa amin.” Ito ang tinuran ni Judy Ann …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *