Monday , May 20 2024

Blog Layout

Feng Shui Compass

ANG feng shui compass, tinatawag ding Lo-Pan, ay ginagamit sa paglalarawan ng Bagua ng bahay upang ma-access ang sumusunod: • deeper feng shui information sa lugar o gusali, katulad ng paborable at hindi paborableng feng shui areas; • specific feng shui areas o site na nakakonekta sa specific areas ng buhay ng mga tao; • main feng shui element na …

Read More »

Stop waste, save rice isinulong sa kamara

Sanhi ng pagsirit ng presyo ng bigas sa gitna ng walang katiyakan sa suplay nito, magkatuwang na isinusulong ngayon ng Chairman ng Committee on Agriculture at ng Committee on Food Security sa Kamara de Representante ang pagpasa ng panukalang aampat sa paglobo ng nasasayang na bigas sa bansa na umaabot sa halagang P8.4 bilyon taon-taon. Nakatakdang ihain ng Chairman ng …

Read More »

Trader puputulan ng koryente, nagbigti

NANGAMBANG maputulan ng koryente ang kanyang bahay kaya nagawang magbigti ng isang negosyante sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Wala nang buhay nang makita ang biktimang si Ernesto Mata, ng Aries St., Gremville Subdivision, Barangay Bagbaguin. Batay sa ulat ng pulisya, 6:00 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ng nakabigting biktima sa loob ng kanyang bahay. Isang kliyente ng …

Read More »

SK ‘nilusaw’ ng Kongreso

NAGKASUNDO ang mga miyembro ng bicameral conference committee na tumalakay sa pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) polls, kahapon na bakantehin muna ang mga posisyon  sa youth council hangga’t hindi nakapaghahalal ng bagong mga opisyal. Sumang-ayon ang mga senador sa bicameral panel sa panukala ng mga miyembro ng Kamara na huwag panatilihin ang pag-upo ng incumbent SK officials makaraang mapagpasyahan ang …

Read More »

Barangay hall niratrat 3 patay, 1 sugatan

BINAN CITY, Laguna – Patay ang tatlong barangay official, na kinabibilangan ng dalawang incumbent barangay councilor, habang sugatan ang isang tanod matapos pagbabarilin ng apat armadong kalalakihan ang barangay hall sa Brgy. Mamplasan sa nasabing lungsod. Sa ulat ni Supt. Simnar Gran kay Laguna Police Prov. Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang mga napatay na sina Edwin Salosa, …

Read More »

6 suspek sa Davantes kinasuhan na

PATONG-PATONG na demanda  ang isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group ng National Capital Region Police  laban sa  anim na suspek sa pagpatay sa advertising executive na si Kaye Davantes. Ang kaso ay isinampa  ng CIDG-NCR sa tanggapan ni Prosecution Attorney Omar Casimiro ng National Prosecution Service ng Department of Justice  sa mga suspek na sina: Reggie Diel,   Lloyd Benedict …

Read More »

32 death toll sa Subic landslides

UMABOT na sa 32 katao ang kompirmadong namatay matapos matabunan sa naganap na landslide sa Brgy. Wawandue, San Isidro, Aglao at sa Malaybalay resettlement sa lalawigan ng Zambales Habang isang 77-anyos lola ang sinbasabing nawawala pa. Gayonman, unti-unti nang humuhupa ang lagpas-taong baha sa Subic, Zambles matapos ang pagtigil ng malakas na ulan mula kamakalawa ng gabi, pagtitiyak ni Subic …

Read More »

Napoles nakalalabas sa kulungan?

MARIING itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na nakalalabas at nakapapaligo pa sa kanyang bahay sa Alabang, Muntinlupa City si Janet Lim-Napoles. Una nang lumabas ang nasabing balita bago pa man ang arraignment ni Napoles kamakalawa sa Makati RTC. Sinabi ni PNP Spokesman S/Sr. Theodore Sindac, pawang espekulasyon lamang ang nasabing mga alegasyon at walang katotohanan. Ayon kay Sindac, nananatili …

Read More »

16 sugatan sa karambola ng 3 bus sa Quezon

UMABOT sa 16 katao ang sugatan, karamihan ay mula sa Peñafrancia fiesta sa Bicol, makaraang magsalpukan ang tatlong bus sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay lulan ng Manila-bound bus na bumangga sa dalawang roll-on roll-off bus na nakaparada sa Quirino Highway. Sa inisyal na imbestigasyon, ang unang bus ay nag-overtake nang …

Read More »

BIFF muling umatake sa North Cotabato

COTABATO CITY – Muling umatake ang hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isa pang bayan ng North Cotabato kahapon, makaraang maghasik ng kaguluhan sa ilang barangay sa bayan ng Midsayap. Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 80 armadong kalalakihan ang sumalakay sa bayan ng Tulunan dakong 7 a.m. kahapon at dinahas ang mga security guard ng Del …

Read More »