Friday , January 28 2022

Koryente sinisikap ibalik — DoE

INIHAYAG ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla na sisikaping maibalik ang supply ng koryente sa buong Metro Manila makaraan manalasa ang bagyong  Glenda.

Ayon sa Kalihim, malamang na sa Hulyo 19 hanggang Hulyo 22 pa maibabalik ang supply ng koryente sa main line nito partikular sa lalawigan ng Quezon at Bicol na matinding sinalanta ng bagyong Glenda.

Sinabi ni Petilla, nasa 50 porsiyento pa lamang ng supply ng koryente sa Luzon ang naibalik habang marami pang kabahayan sa Metro Manila, Southern Luzon at Bicol Region ang wala pang koryente.

Wala pang koryente ang karamihan sa mga lugar ng Quezon City, Taguig, Muntinlupa, Maynila, Makati City, Las Pinas, Paranaque at sa area ng CAMANAVA .

Ang ibang bahagi ng mga lugar ay mayroon nang supply ng koryente simula noong pang gabi ng Hulyo 16.

Batay sa ahensya, sa kanilang tantiya, 99.98% sa Quezon ang wala pang koryente, Batangas, 94%; Cavite, 67%; Laguna, 61%; Rizal, 47%; at Bulacan, 11%.

Maibabalik pa lamang ang supply ng koryente nang 10% hanggang 15%  sa area ng Quezon Province, Camarines Norte, Albay at Sorsogon na pinakamatinding tinamaan ng bagyong Glenda.

Ito aniya ay magiging depende pa kung gaano kabilis ang power cooperatives na maisaayos ang kanilang linya ng koryente patungo sa mga kabahayan.

Ayon pa sa DOE, nasa 81% na ang nagkaroon na ng supply ng koryente sa Metro Manila habang nasa 18% pa ang brownout.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, DILG, DOH, MMDA turnover ceremony of home care kits feat

Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, DILG, DOH, MMDA turnover ceremony of home care kits

PINANGUNAHAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, kasama ang mga opisyal ng Department of …

Pitmaster Foundation

Pitmaster Foundation muling namahagi ng P20-M homecare kits

MULING namahagi ang Pitmaster Foundation ang P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local …

Leave a Reply