Friday , December 19 2025

Blog Layout

5 bagets na akyat-bahay arestado sa Bulacan

LIMANG hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang, kabilang ang tatlong menor de edad, ang naaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ang limang inaresto sa bisa ng arrest order na inisyu ni Judge Olivia V. Escubio-Samar ng Regional Trial Court, Branch 79 sa Malolos City, para sa kasong robbery ay kinilalang sina Crisanto San Juan, …

Read More »

Hindi pa tapos ang laban sa Ozone?

MARAMI ang nagbunyi nang lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan na guilty sa kasong graft ang pitong dating opisyal ng Quezon City at dalawang negosyante, kaugnay ng sunog na tumupok sa Ozone Disco noong Marso 18, 1996. Ang trahedya sa Ozone Disco sa Timog Avenue, Quezon City ay isa sa pinakagrabeng insidente ng sunog na naganap sa ating bansa. Ang bilang …

Read More »

DILG at PNP: 30 kidnapper naaresto; watchdog group lubos na nagpasalamat

INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) na nasa 30 kidnapper mula Enero hanggang Nobyembre ngayon taon ang nahuli at nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Ayon kay Police Senior Superintendent Rene Aspera, Chief of Staff ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), kabilang sa mga naaresto sina Tyrone dela Cruz at ang kanyang …

Read More »

Palasyo sabik na sa Pacman vs Mayweather Fight

NASASABIK na rin ang Palasyo sa paghaharap nina People’s Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., gaya ng sambayanang Filipino, hinihintay rin ng Malacañang ang sagupaang Pacquiao-Mayweather. Hindi pa mabanggit ng Kalihim kung kailan nakatakda ang courtesy call ng Pambansang Kamao kay Pangulong Benigno Aquino III makaraan magapi si Chris Algieri …

Read More »

Call center agent muntik na sa rapists in van

NAGBABALA ang Makati City Police sa mga kababaihan na mag-ingat kapag nag-iisa lalo na kung may nag-aalok na sumakay sa sasakyang van. Isang babaeng call center agent ang muntik nang dukutin ng dalawang lalaking sakay sa isang puting van kamakailan . Sa record ng police blotter, nagtungo sa himpilan ng pulisya si ‘Olive’ ng Bulacan, upang ireklamo ang nangyaring insidente. …

Read More »

1 sa 4 rapists sa Marikina timbog

HAWAK na ng Marikina PNP ang isa sa apat rapists ng isang dalagita, makaraan masakote sa kanyang hang-out sa lungsod kahapon ng umaga makaraan ang ilang buwan pagtatago. Kinilala ni SPO4 Rowel Bering, warrant chief, ang nadakip na si Jefferson Barezo, 20, alyas Balong, nakatira sa Park 23, Marikina Heights. Ayon sa ulat, dakong 12:15 a.m. nang madakip ang suspek …

Read More »

Pirated copy ng Pacquiao-Algieri Fight nagkalat na

7NAGKALAT na sa mga bangketa ng Metro Manila ang mga pirated CD/DVD ng laban nina Filipino ring icon Manny Pacquiao at Chris Algieri sa kabila nang pagbabawal ng mga awtoridad. Katunayan, sa lungsod ng Maynila ay nabibili ang kopya nito sa halagang P25-P75, depende sa kalidad ng kopya. May mga package din na P150 ang presyo para sa compilation ng …

Read More »

Target na zero crime rate bigo

BIGONG maitala ang zero-crime rate nitong Linggo na karaniwang nagaganap kapag may laban si People’s Champ Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Ayon sa Philippine National Police (PNP), may apat na krimeng naitala habang ginaganap ang laban nina Pacquiao at Italian-Argentinian boxer Chris Algieri. Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, spokesperson ng PNP, bandang 2:45 p.m. nitong Linggo sa Marikina nang barilin …

Read More »

Lolo inatake sa Pacman vs Algieri

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki nang atakehin sa puso habang nanonood ng laban nina Manny Pacquiao at Chris Algieri sa Naawan, Misamis Oriental. Kinilala ang biktimang si Joven Baslot, 60, nanood sa tahanan ng alkalde ng Naawan na nagpa-free viewing nitong Linggo. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa round 9 ang laban nang mapansin ng mga kasama ni Baslot …

Read More »

Problemadong kelot naglason sa harap ng pastor (Komunsulta muna)

WINAKASAN ng isang 22-anyos lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason makaraan komunsulta sa isang pastor tungkol sa kanyang problema kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jaymar Pingcas, walang asawa, production staff, at residente ng 34 Cadiz St., Brgy. Salvacion, Quezon City. Batay sa imbestigasyon …

Read More »