Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Parangal sa SAF 44, ipinagkakait – Rep. Pagdilao

“It is not in the honor that you take with you, but the heritage you leave behind.” Minsang sinabi ito ni Branch Rickey. Sa ganitong pamamaraan dapat manatiling buhay ang alaala ng magigiting na kasapi sa PNP Special Action Force (SAF) na minasaker ng MILF noong Enero 2015. Isinantabi ng SAF ang pansariling kaligtasan sa ngalan ng pagpapanatili ng kapayapaan …

Read More »

Erice: Sino makikinabang kung matanggal si Poe?

NAGBIDA si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na aalamin niya kung sino ang nasa likod ng natalong senatoriable na si Rizalito David, na nagsampa ng kaso sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban sa pagkapanalo ni Sen. Grace Poe nung 2013. Sinasabi ni David na hindi dapat nakaupo sa Senado si Poe dahil diskwalipikado sa isyu ng citizenship.  “Sino ba ang nagtulak …

Read More »

Marijuana vs palay, mais at camote

Kamakailan ay pinag-usapan sa komite ng Kamara ang tungkol sa House Bill No.  4477 o ang pagre-regulate bilang gamit-medikal  ng Marijuana. Gayon din ang pagtatatag ng Medical Cannabis Regulatory Authority at paglalaan ng kaukulang pondo para rito. Walang duda na totoong may medicinal benefits ang Cannabis o Marijuana sa ilang karamdaman. Pinatutunayan na ito ng siyensiya batay sa pananaliksik ng …

Read More »

2 kilong heroin sa sapatos nabisto sa NAIA

DALAWANG pares ng sapatos na inabandona at nasa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nadiskubreng may nakatagong dalawang kilo ng heroin. Ayon sa MIAA kahapon, ang mga sapatos na kinabibilangan ng itim na Clark Active Air, at Brown Clark Active ay mas mabigat kaysa normal na timbang nang pagbukod-bukurin ng lost and found personnel ang …

Read More »

Bumaha ng pagkain sa birthday ni Peewee

NAGING masaya at makasaysayan ang naging pagdiriwang ng ika-82 birthday ni former Pasay City Mayor Atty. Wenceslao “Peewee” Trinidad na ginanap noong gabi ng Martes sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Boulevard. Bumaha ng mga inumin at mga pagkain kaya ‘eat all you can’ ang mga malalapit na kaibigang bumati ng “Happy Birthday” kay Peewee ng araw na iyon. Sa …

Read More »

Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim

TINIYAK ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niya ang mga kaso kaugnay sa ibinigay na permit kaya naitayo ang kontrobersiyal na Torre de Manila condominium na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’ Sa ginanap na ika-apat na oral argument sa petisyon ng Knights of Rizal laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila, nagpahiwatig si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na …

Read More »

P2 bilyon para maging presidente

Ito ang tinatayang gagastusin ng bawa’t kandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections, na ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno ay ginagawang katawa-tawa ang Saligang Batas—at isang dahilan para isulong ang pagbabago ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pabalangkas ng bagong Konstitusyon. Sa isang forum on Constitutional reform sa University of the East kahapon, sinabi ni Puno …

Read More »

14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)

TUGUEGARAO CITY – Nagbigti ang isang 14-anyos binatilyo makaraan makipagtalo sa nakatatandang kapatid dahil sa bigas na kinuha ng biktima sa kanilang tiyuhin sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ian Jay Benavidez, residente ng Brgy. Centro sa naturang lugar, at trabahador sa farm ng kanilang tiyuhin. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima …

Read More »

Bad spirits sa pinutol na puno sumanib sa 11 teens

CAGAYAN DE ORO CITY – Naalarma ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Misamis Oriental hinggil sa ilang mag-aaral ng sekondarya na sinasabing sinanipian masamang espiritu. Ayon sa ulat, sinapian ang 11 mag-aaral na pawang babae, ng bad spirits makaraan putulin ang mag-aapat dekada nang malaking punongkahoy ng Talisay sa loob ng Baliwagan National High School ng Balingasag sa …

Read More »

Ineng signal no. 2 sa Batanes at Cagayan

NAPANATILI ng Bagyong Ineng ang kanyang lakas habang papalapit sa pinakataas na bahagi ng Hilagang Luzon.  Batay sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong11 a.m. nitong Miyerkoles, itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands.  Habang nakataas ang Signal …

Read More »