Thursday , June 4 2026

Immigration media inasunto ng libel

Conrado ChingISANG nagpapakilalang publisher ng isang tabloid na mayroong natatanging sirkulasyon sa main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila ang idinemanda ng kasong libelo sa piskalya ng Pasay City, kamakailan.

Ang kaso laban kay Conrado Ching, Pangulo ng Immigration Press Corpse at sinasabing publisher ng pahayagang The Border, may tanging sirkulasyon sa apat na sulok ng punong tanggapan ng BI sa Intramuros, ay inihain sa piskalya ng Pasay City ng isang babaeng Immigration Officer.

Naniniwala ang nagdemandang Immigration Officer na siya ay sinisiraan at itinitsismis ni Ching, sa kanilang tabloid na makikita sa pahayagang nakalatag sa entrance door ng BI main office tuwing Lunes.

Ang demanda ng IO ay nag-ugat sa pinaniniwalaan niyang paninirang puri ni Ching mula nang ipatapon siya ni Immigration Comissioner Siegfred Mison sa Port of Zamboanga.

Dahil naniniwala ang IO na hindi patas at hindi komportable sa kanyang kalagayan bilang isang single parent ang pagpapatapon sa kanya ni Mison sa border crossing, agad siyang gumawa ng liham para iapela ang kanyang bagong assignment.

Ngunit patuloy umanong tinatanggihan ni Mison ang kanyang apela at paghingi ng konsiderasyon kaya minabuti niyang maghain ng official leave bilang IO, habang nakasalang pa ang kanyang reklamo sa Civil Service Commission (CSC) laban sa sapilitang pagpapalipat sa kanya sa malayong probinsiya.

Sa panayam sa ilang Immigration employees, nabatid na nagpapakilala at inaako ng isang alyas Ching na siya ang publisher ng isang tabloid size na nag-aanyong pahayagan na nakikitang nakalatag sa entrance gate ng BI tuwing Lunes.

Anila, tuwing Lunes, inaabangan nila ang isang pahayagan (hindi ang diyaryo ni Ching) na inilalabas ng ‘mosquito press’ dahil dito nila nababasa ang mga katotohanan at anomalya sa loob ng BI main office at BI-NAIA terminals pero hindi nakukuha ng mainstream media.

Dahil sa kanilang pag-aabang sa nasabing diyaryo ng ‘mosquito press,’ ang tila-tabloid na pahayagan umano ni Ching ay pilit na ibinibigay sa kanila para basahin.

Ngunit kapag kanilang binuklat umano ang diyaryo  ay pawang papuri lang sa isang Immigration official na pawang kapalpakan at kaimoralan ang ginagawa sa bureau.

Wala man lang umanong artikulo sa pahayagan ni Ching na nagbabanggit kung ano na ang tunay na kalagayan ng mga empleyadong ipinatapon sa malalayong lugar gayong ito ay malaking isyu na makaaapekto sa operasyon ng BI sa main office at sa mga airport at subports.

Napipilitan na lang umano silang tanggapin ang diyaryo dahil nakikiusap ang inuutusang namahagi na kunin na nila ang diyaryo saka itago o itabi para ‘maipambalot’ sa panahon na nangangilangan nito.

Naniniwala ang Immigration officer na umasunto kay Ching at sa dalawa niyang kolumnista na sina Vito Barcelo at Ferdie Sevilla na dapat nilang panagutan sa batas ang mga paninirang ginawa sa kanyang pagkatao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …