This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ILANG impormasyon ang natanggap natin na mayroon daw pangangailangan na i-random drug test ang mga kagawad ng DoTC OTS sa NAIA.
Ilan daw sa kanila ang positibong gumagamit ng ilegal na droga.
‘E alam n’yo naman kapag droga na ang pinag-uusapan, lahat ay nagagawa na ng isang taong nalululong sa bisyong ‘yan.
Hindi na tayo magtataka sa isyu ng ‘tanim-bala’ kung may madeskubreng positibo sa ilegal na droga sa OTS personnel?!
Isagawa na po agad ang random drug test na ‘yan bago pa lumala ang sitwasyon.
Paging DoTC Secretary Jun pabaya ‘este’ Abaya!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com