Thursday , June 4 2026

Aviation Security Chief ng NCR sinibak

KINOMPIRMA ni Philippine National Police Aviation Security Group director, Chief Supt. Pablo Francisco Balagtas, sinibak na sa puwesto ang National Capital Region (NCR) Aviation security chief.

Ayon kay Balagtas, papalitan ni Senior Supt. Adolfo Samala ang sinibak na si Senior Supt. Ricardo Layug Jr., head ng Aviation Security Unit ng NCR.

Ito ay kaugnay sa kinahaharap ng opisyal na kontrobersiya kaugnay sa ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nilinaw ni Balagtas na bahagi ng ‘rotation’ sa PNP ang pagsibak kay Layug.

Samantala, sinibak na rin ang 15 empleyado ng Transportation for Security habang iniimbestigahan ang anim kaso ng modus.

Ayon kay kay Office for Transportation Security (OTS) Deputy Administrator Roberto Villanueva, nasa restricted status ang mga tauhan na nakatoka sa screening station ng NAIA kung saan nakuha ang mga bala.

Layon aniya ng imbestigasyon na burahin ang pagdududa sa mga tauhan ng paliparan na isinasangkot sa ‘tanim-bala’ modus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …