Monday , September 25 2023

Radio reporter pinagkaitan ng police blotter (Sinakal, binugbog, ikinulong ng pulis)

BUGBOG-SARADO ang isang radio reporter sa sarhento de mesa ng Marikina police nang pili-tin niyang basahin ang police blotter para tingnan ang insidente sa buong magdamag sa Marikina City.

Si Edmar Estabillo, 40, reporter ng DZRH, presidente ng Eastern Rizal United Media Practitioner (ERUMP), nakatalaga sa Eastern part ng Metro Manila, ay dumating sa Marikina PNP dakong 7:48 a.m. para magbasa ng police blotter ngunit wala ang desk officer na si SPO2 Manuel Laison.

Habang pumapasok sa investigation office nakasalubong ni Estabillo si Laison kaya nagpakilala siya ngunit hiningian siya ng identification card ng pulis. 

Pero iginiit ng biktima na araw-araw siyang nagko-cover sa lugar kaya nakapagtataka kung bakit pinigilan siyang buksan ang police blotter na nagresulta sa kanilang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, nagkainitan sina Estabillo at Laison, hinila umano ng pulis sa lugar kung saan hindi hagip ng CCTV camera at doon sinakal, ginulpi at pinosasan ang radio reporter.

Nabatid na pinanood lamang ng mga kapwa pulis ang pambubugbog ni Laison sa reporter kasama ang dalawang opisyal na sina senior inspectors Nicanor Lambino at Melanie Redon ng Marikina PNP, imbes awatin.

Pagkaraan ay kinompiska ng pulis ang handheld radio at cellphone ng reporter at binulyawan ang driver ng dzRH mobile car nang pumasok para kuhaan ng larawan ang pambubugbog sa reporter.

Sa panig ni Laison, si Estabillo aniya ang unang nagtaas ng boses at humantong sa pambabalya at pananakal sa biktimang reporter.

Agad sinibak ni EPD director, Chief Supt. Elmer Jamias si Laison at sinabing kakasuhan ng physical injuries at abuse of authority saka ipatatapon sa EPD district headquarters.

Nabatid na hindi lang si Estabillo ang nakaaway ni Laison kundi ilang mediamen na rin ang nakaranas ng pambabastos ng pulis.

Ang police blotter ay itinuturing na isang public document na maaaring basahin hindi lamang ng mga reporter kundi maging ng publiko.

Kaugnay nito, sinabi ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) National Chairman Jerry Yap mayroon talagang pangangailangan na maisabatas na ang Freedom of Information (FOI) Bill upang mapanagot sa batas ang sino mang opisyal o empleyado ng pamahalaan na magkakait sa publiko ng mga public documents gaya ng police blotter.

Noong Nobyembre 1994, matatandaan na nadakip ang mga kumidnap at pumatay kay da-ting human rights lawyer at national president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Eugene Tan at sa kanyang driver na si Eddie Constantino nang mahalungkat ng isang radio reporter ang police blotter  sa Intelligence Unit ng Western Police District (WPD).

Si Mat Vicencio, dating radio reporter ng dwIZ, na nakaugaliang magbasa ng police blotter ang nakatisod ng impormasyon tungkol sa reklamo ng isang Patricia Lim laban sa pagbabanta umano ng isang abogado sa kanilang buhay.

Nag-iwan ng telepono si Lim sa police blotter kaya natawagan siya ni Vicencio hanggang maiugnay ang reklamo sa pagkidnap at pagpaslang kay Tan at sa kanyang driver. Kinondena ng mga kasamahan sa Press Corps ni Estabillo ang ginawang karahasan ni Laison sa mamamahayag at sinabing kaduda-duda ang pagdaramot ng Marikina police sa kanilang police blotter.

About Ed Moreno

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *