Thursday , December 18 2025

Blog Layout

Karen, namali ng ingles dahil sa pagka-star-struck kay Vico

MEDYO bumaba ng ilang baitang lang naman ang mataas naming paghanga kay Karen Davila pagdating sa fluency sa pagsasalita ng Ingles. Natisod namin ang kanyang interbyu kay Vico Sotto bago ganapin ang eleksiyon sa kanyang programa. Obyus na na-starstruck, kundi man naguwapuhan siya kay Vico (na tumakbo at nanalong mayor ng Pasig City). Kung sabagay, simpatico naman talaga ang anak …

Read More »

Andrea, ‘bumigay’ kay Derek

Andrea Torres Derek Ramsay

HINDI pa rin makapaniwala si Andrea Torres na makakasama niya sa isang serye ang Kapuso hunk na si Derek Ramsay. Aminado ang sexy actress na isa sa bucket lists niya ang maging leading man si Derek kahit pa noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Pero ipinagkibit balikat niya ito noon dahil magkaiba sila ng estasyon. Kaya nang magkatagpo sila …

Read More »

Andrea, sobrang insecure sa kilay

Andrea Brillantes

KUNG marami ang naiinggit o nagagandahan sa kilay ni Andrea Brillantes, kabaligtaran naman pala ito sa tin-edyer. Ani Andrea, ”actually sobrang insecure ako sa kilay ko rati. Inahit ko siya noong araw na may photo shoot ako kaya naging puting-puti siya at nasita ako ng nanay ko. Pero natutuwa ako na marami ang natutuwa sa kilay ko at bumalik naman siya sa …

Read More »

Seth, natameme kay Andrea

NAPAKALAKAS ng dating ng tambalang Andrea at Seth Fedelin. Ilang araw pa lamang ang paglabas ni Set sa KG ay marami na agad fans ang kanilang tambalan. Matindi nga agad ang dating ng kanilang loveteam. Sinasabing may hawig si Set kay Daniel Padilla na bukod sa malakas ang dating, nahahawig din ang pananalita nito sa anak ni Karla Estrada. Kaya sinasabing posibleng maungusan ang mga kasabayan sa PBB …

Read More »

Kadenang Ginto, patuloy na humahataw

PINAKAPINANONOOD na serye sa hapon at mainit na pinag-uusapan pa rin ang Kadenang Ginto. Patuloy ang walang sawang suporta ng mga manonood sa mga nakagigigil na eksena nina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea, at Dimples Romana kaya naman nananatili ito sa kanilang trono. Hindi natinag sa national TV ratings ang programa at kamakailan ay humataw sa all-time high rating na 27.3%, at araw-araw na …

Read More »

Francine at Andrea, nagkakasakitan na

HINDI naman naiwasan nina Francine at Andrea na magkasakitan na sa ilang mga eksena lalo’t may physical contact sila. “’Yung unang-unang sabunutan namin, hindi ko ine-expect na ganoon pala (magkakasakitan) kapag may sabunutan na scene,” ani Francine o Cassie. “Kabado po ako sa kinunang scene na ‘yun kasi hindi ko po siya (Andrea) kayang saktan. “’Yung eksenang ‘yun unang nanampal si …

Read More »

PhilSA aprub

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philip­pine Space Agency (PhilSA). Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Esta­blishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.” Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay maka­pagbibigay sa …

Read More »

Gastos pag-uwi ng labi ni Dayag mula Kuwait kinargo ng DFA

SASAGUTIN ng Depart­­ment of Foreign Affairs (DFA) ang gastusin sa pagpapauwi ng labi ng overseas Filipino works (OFWs) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan. Nagpaabot ng pakiki­ramay ang ahensiya sa pangunguna ni Secretary Teodoro  “Teddy” Locsin sa pamilya ng OFW na namatay nang dalhin sa Al-Sabah Hospital, Ku­wait nitong 14 Mayo na idineklarang dead on arrival. Kinilala ang …

Read More »

‘Pabayang’ Comelec execs kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng ka­song administratibo ng Mata Sa Balota Movement at ng ilang non-govern­ment organizations (NGOs) ang mga ‘non impeachable’ officials ng Commission on Election (Comelec) sa Office of the Ombudsman  bunsod sa hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang baha­gi ng Automated Election System (AES) law na nagdulot ng kali­wa’t kanang ulat ng ka­pal­pakan ng mga makina at proseso sa katatapos na 13 …

Read More »

Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC

marijuana Cannabis oil vape cartridge

HINULI ng mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national nang kunin sa Central Mail Exchange Center ang 30 vape cartridge na nagla­laman ng cannabis oil sa Domestic Road, Pasay City kahapon. Dakong 12:30 pm nang hulihin ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA  na nag­mamay-ari ng shipment mula China, kasalu­kuyang …

Read More »