Monday , August 8 2022

Mother Lily, nakabibilib ang pagiging sport

WALANG producer na gustong ipalabas ang kanyang pelikula sa buwan ng Enero kung hindi man ito pinalad makapasok sa Metro Manila Film Festival.

Unang-una, said na ang bulsa ng tao sa nagdaang holiday season. Sa mahal nga naman ng bayad sa sine ngayon, Pasko lang ang tanging panahon na paldo ang bulsa ng mga tao.

Most producer would rather choose a November playdate, ilang lingo ang agwat sa Metro Manila Film Festival.

Kaya naman November 27 ang napiling playdate ng The Heiress, ang pelikula ni Maricel Soriano na inisnab ng selection committee ng taunang festival.

May Halloween feel pa rin naman ang horror flick na ito kahit lampas na nang October 31 bago mag-Undas.

‘Yun nga lang, nasanay na ang tao na taon-taon ay walang mintis ang kompanya ni Mother Lily Monteverde na mayroong entry sa MMFF, to think na bida pa mandin si Maricel na gumaganap bilang mambabarang.

Ang nakabibilib lang sa Regal matriarch, naroon siya nang ianunsiyo ang apat pang natitirang entries para makompleto ang Magic 8. Nanatili siya kahit hindi napasama ang The Heiress, gayong ramdam ang kanyang pagkadesmaya.

A real sport she is.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Kris Aquino Cristy Fermin Romel Chika Morly Alinio

Kris balik-Singapore sa pagpapagamot

MA at PAni Rommel Placente MULA sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris …

Pokwang K Brosas car accident

K Brosas at Pokwang naaksidente

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAAKSIDENTE noong Martes sina K Brosas at Pokwang kasama ang kanilang handler na si Daryl Zamorahabang …

Kitkat baby husband

Kitkat isinilang na si Baby Girl Uno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAILUWAL na ng komedyanang si Kitkat Favia via caesarianang unang anak nila …

Vince Maristela

Vince Maristela bagong aabangan sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vince Maristela ang itinuro ng kapwa niya Sparkle artist na si Raheel Bhyria na mas hunk …

Leave a Reply