Sunday , June 7 2026

Maliliit na pimples sa leeg, armpit, legs Humupa, natuyo sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Magandang araw po Sis Fely. Ako po si Leidan Orat, 38 years old, naninirahan sa Cordillera Region. Isa po akong maliit na negosyante ng mga produkto sa Mt. Province at ibinabagsak po naming sa Maynila.

        Okey naman po ang business pero masyado pong tumataas ang cost of transportation, mabuti na lang sa pag-uugnayan at pagtutulungan namin ng iba pang maliliit na businessman ay nakararaos kami.

        Minsan para makatipid, nagsasalitan kami ng pagluwas at idine-deliver ang mga produkto sa kanya-kanyang suki. Kapag ganoon ang sitwasyon, mga dalawang araw na walang ligo, puro hilamos, toothbrush, at basic na paggamit ng comfort room.

        Hanggang isang umaga, paggising ko, nakita ko nagkaroon ako ng maliliit na pimples sa ilalim ng baba at leeg, sa armpit, at mayroon din sa legs. Makati tapos parang may yellowish point, tumpok-tumpok. Ako po’y talagang kinilabutan at nabalisa.

Ang ginawa ko naligo agad ako tapos tinuyo ko maigi ‘yung mga affected area saka ko dahan-dahang dinampian ng Krystall Herbal Oil.

        Noong gabi po, inulit ko ulit ang proseso. Naligo, tinuyo, at dinampian ng Krystall Herbal Oil. Kinabukasan, paggising ko, aba, nagulat ako. Tuyo na ang maliliit na pimples. Sa kabala noon, itinuloy-tuloy ko lang ang paghahaplos ng Krystall Herbal Oil. After one week tuluyan nang nawala ang pangangati, at pati ang bakas ng peklat ay hindi na halos maaninag.

        Hindi ko talaga maipaliwanag kung anong ‘power’ mayroon ang Krystall at napakahusay.

        Wish ko po ang patuloy ninyong paglikha o pag-imbento ng mga produktong nakatutulong sa kalusugan at kagalingan ng inyong mga suki.

        God bless po…

Lubos na sumasainyo,

LEIDAN ORAT

Cordillera Region 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Heart Evangelista Chiz Escudero Senate

Heart tahimik sa paglipat ni Chiz sa minorya

I-FLEXni Jun Nardo BIGO kaming makakita ng post sa socmed ni Heart Evangelista bilang reaksiyon sa lipat-minority …

2026 World Slasher Cup 2 Champions

Tatlong Entry Naghari sa 2026 World Slasher Cup 2 Matapos Magtabla sa 8-1 Rekord

TATLONG entry ang itinanghal na kampeon sa 2026 World Slasher Cup 2 matapos magtala ng …

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …