Tuesday , December 5 2023
Angel Locsin

Angel umaksiyon agad kontra Odette

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABILIS na kumilos si Angel Locsin para magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette, pero hindi kagaya noong dati na siya ay direct volunteer ng Red Cross, at makikita mong katulong pa siya sa pagre-repack ng relief goods sa operations center mismo niyon. O ‘di kaya siya ang nagtutungo mismo sa disaster area, ang sinasabi sa ngayon iniwan na lang  niya ang tulong na gusto niyang ipahatid sa headquarters ng isang political candidate na kanyang sinusuportahan.

Panahon kasi ng eleksiyon at hindi nga yata maiwasan ang kulay ng politika sa mga tumutulong sa mga biktima ng bagyo.

Naalala nga namin,siguro kung buhay pa si Boss Jerry Yap, naging relief operations center na naman ang opisina ng Hataw at  personal na naman siyang nagpapa-abot ng tulong sa mga biktima ng Odette. Pero si Boss Jerry, kaya gustong ibigay nang diretso, aba eh siguradong makararating sa dapat tulungan. Hindi mangyayari iyong nakikita mo iyong mga de latang ”white labeled” na itinitinda sa isang supermarket sa Makati, o kaya naman pinababayaang mabulok at tapos ibinabaon na lang kung bulok na.

Iyang relief operations, marami ring raket iyan.

About Ed de Leon

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Bong Revilla Jinggoy Estrada Robin Padilla Lito Lapid

Lito, Bong, Jinggoy, Robin mag-aala Expendables

COOL JOE!ni Joe Barrameda ILAN taon nang hindi pumapalya si Sen. Lito Lapid na tuwing sasapit ang …

Jomari Yllana Mark Anthony Fernandez 

Mark Anthony may tampo kay Jomari

COOL JOE!ni Joe Barrameda ILAN taon din palang hindi nagkakausap sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana. Nagtampo …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …