Wednesday , March 22 2023

Sherilyn, aminadong naghirap nang ma-1-2-3 sa negosyo

INAMIN ni Sherilyn Reyes na sa ngayon, panay ang kayod nila dahil hirap na hirap sila sa pera. Talagang sagad, sabi nga niya. Una, dahil nga sa pandemic wala sila halos trabaho, at hindi lang naman siya, halos lahat ng artista ay ganyan. Kaya nga mapapansin ninyo, ang daming artistang pumasok na lang sa on line business, dahil iyon lang ang kanilang magagawa sa ngayon para mag-survive. Hindi biro iyang halos pitong buwan na silang walang trabaho.

Lalong hindi biro iyong nangyaring nasara pa nga ang kanilang network, kaya ano naman ang maaasahang trabaho agad ni Sherilyn o ng kanyang anak na si Ryle kung sakali man?

Pero sinabi niyang ang talagang nagpahirap sa kanila nang husto at naging dahilan kung bakit ubos ang kanyang pera ay dahil sa katotohanang “na-1-2-3” siya sa isang negosyo. In short naloko siya at dahil diyan kailangang siya mismo ang magbayad sa mga supplier na kinunan nila ng mga item kasi siya ang nakaharap doon. Iyon namang kumuha sa kanya nagtago na.

Hindi niya sinabi kung anong business iyon, basta “na-1-2-3” siya.

Iyang mga artista kasi, sa totoo lang hindi naman sanay talaga sa negosyo ang marami riyan. Sanay kasi sila na darating sila sa set, babasahin ang script, aarte at babayaran na sila. Wala silang inilalabas na puhunan. Eh sa negosyo, puhunan mo iyon mismo eh.

Dahil diyan hindi talaga sila sanay kung paano mababantayan ang puhunan. Madali silang magtiwala, kasi sa showbusiness ganoon naman ang kalakaran eh. Walang masyadong papeles dito, puro salita lang, at ang salita naman ay talagang tinutupad. Kaya iyong mga safety net pagdating sa puhunan talagang hindi sila sanay. Kaya maraming artista ang biktima talaga ng “1-2-3”. Ingat lang.

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Check Also

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …

Samantha Lopez

Samantha masaya ang buhay kahit walang lovelife

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS si Samantha Lopez, pero masaya siya kahit walang karelasyon. Ano ang …

Jos Garcia Rey Valera

Jos Garcia pabalik-balik ng ‘Pinas at Japan sa dami ng proyekto

MATABILni John Fontanilla BUMALIK na sa Japan ang International Pinay singer na si Jos Garcia na roon …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco umamin sa tunay na relasyon nila ni Cristine

MA at PAni Rommel Placente SPOTTED lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet. …

Leave a Reply