Tuesday , April 22 2025
Rodrigo Duterte, Isko Moreno
Rodrigo Duterte, Isko Moreno

Away n’yo, bibilhin ko – Yorme Isko (Palasyo kinasahan)

Hataw Frontpage Michael Yang enkargado ni Duterte (Sa pro-China policy) Away n’yo, bibilhin ko – Yorme Isko (Palasyo kinasahan)

HINDI uubra kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang estilong sanggano ng Palasyo sa pagsagot sa mga isyu kaya ang hamon niya sa mga opisyal ng administrasyon sa Moriones St., sa Tondo sila magtuos.

Napikon si Domagoso sa estilo ng paghahayag ng mensahe ng Malacañang sa publiko na hindi angkop sa nararanasang CoVid-19 pandemic.

“‘Yung mga pasanggano-sangganong sagot, nabili na ‘yan. Kumita na ‘yan noong 2016. Nabili na ‘yan. Kung gusto n’yong sanggano, baba kayo sa gobyerno, punta tayo sa Tondo, sa Moriones, bibilhin namin kayo, total nagbebenta kayo ng away,” ani Domagoso kahapon.

Kamakalawa ay inakusahan si Domagoso ni Presidential Spokesman Harry Roque na namomolitika lang at tatakbo sa 2022 elections kaya nanawagan siya sa pamahalaan na bumili ng mga gamot para sa CoVid-19 imbes gumasta ng bilyones para sa face shield.

Tinawag na bgungol (bingi) ni Domagoso ang mga opisyal ng Palasyo sa hinaing ng bayan at ang pinaghahandaan ay ang eleksiyon.

Tiniyak ni Domagoso, hindi siya natatakot sa Malacañang at nakahanda siyang harapin ang kandidato ng administrasyon sa 2022 elections.

“Ang hirap kausap ng bingi, ang hirap kausap ng bungol, puro kayo plastic. Hindi po ito politika, bingi lang kayo. Huwag kayo maghanda sa eleksiyon. Kayo ang naghahanda sa elksiyon kung makabintang kayo wagas. Hindi naman kami takot sa inyo,” pahayag ng alkalde ng Maynila.

“Mr. President, tanggalin n’yo ‘yung mga taong walang malasakit sa kapwa niya. Ako talaga, ano na tayo, magkuwentas-klaras na tayo, anyway kakaharapin ko naman kayo sa Oktubre. Magkikita-kita naman tayo sa finals, may panahon kami para sa inyo. For now, magligtas tayo ng tao,” pagpapaalala ni Mayor Isko sa Pangulo.

Pinssaringan niya si Pangulong Duterte na walang inatupag kundi ang batikusin ang mga kumokontra sa palpak na pagtugon sa pandemya at nag-iimbestiga sa maanomalyang P10 bilyong kontratang nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa administrasyong Duterte na pinuna ng Commission on Audit (COA) at iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbong Committee.

“Wala kayong inintindi, buhok ng may buhok, taba ng may taba, brief ng may brief. Bilyon ang ginastos ninyo sa plastic na wala namang bisa pero wala tayong Remdisivir, Tocilizumab. Ni hindi ninyo maibigay ‘yung marapat para sa frontliners.Tapos kung makapag-Pharmally kayo para kayong family,” giit ng alkalde.

Sa kanyang mga nakalipas na Talk to the People, tinuya ni Duterte ang katabaan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon, pinintasan ang hati ng buhok ni Sen. Panfilo Lacson at nilait ang kanyang pagkatao batay sa mga sexy photos niya nang siya’y artista pa.

Bagama’t may mga grupong nakahanda aniya na sumuporta sa kanya kapag nagpasya siyang maging presidential bet sa 2022 elections, pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang responsibilidad bilang alkade sa pagharap sa CoVid-19 crisis.

Nanawagan siya sa pamahalaan na maging mas maingat sa paghahayag ng quarantine classifications upang hind imaging sanhi ng pagkalito ng mga mamamayan, pati ng simbahan at religious groups. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *