Friday , October 22 2021
PS-DBM, Procurement Service - Department of Budget and Management

Pagbuwag sa PS-DBM iginiit ng Solon

IPINABUBUWAG ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kontrobersiyal na Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ayon kay Rodriguez nababalot sa katiwalian ang ahensiya na binuo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kasama sa Bill No. 10222 ang mandato para sa national government agencies, at state-owned or controlled corporations, kolehiyo at unibersidad, at lokal na pamahalaan na sila na ang bibili ng kanilang mga pangangailangan.

Ani Rodriguez nababalot sa mga isyu at kontrobersiya kasama ang paglipat ng P42-bilyong pondo mula sa Department of Health (DOH) para sa pagbili ng mga face shield, face masks, personal protective equipment, at iba pang kagamitan na may kinalaman sa  CoVid-19 pandemic.

“The PS-DBM has also been hounded by allegations of improper procedure and overpriced acquisitions,” aniya.

Anang beteranong law professor at kongresista nakasaad sa Saligang Batas na dapat mapanatili ang 1987 Constitution, which directs the state to “honesty and integrity in the public service and to take positive and effective measures against graft and corruption.”

Aniya napanis na ang PS-DBM ng maging batas ang Republic Act No. 9184, o ang Government Procurement Reform Act.

Paliwanag ng kongresista, ang PS-DBM ay binuo para sa pagbili ng supplies na ginagamit ng buong makinarya ng gobyerno.

“However, the passage of RA 9184 undermines the mandate of the PS-DBM through the inclusion of relevant provisions that strengthen the procurement service of national government agencies,” giit ni Rodriguez. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

Oil Price Hike

Presyo ng langis sumirit energy secretary Al Cusi, anyare?

BULABUGINni Jerry Yap HINDI lang pala kalihim ng enerhiya at political party executive si Secretary …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Leave a Reply