Sunday , March 26 2023

Myrtle, tanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers

ANG Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang natatanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia.

Sa panayam ng 24 Oras, inamin ni Myrtle na hindi niya ito inaasahan. “Sobrang honor siya kasi sa previous seasons, walang Filipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, kahit makapasok lang sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100,” pahayag ni Myrtle.

Ibinahagi rin ni Myrtle na minsan ay nakalaban niya sa Ragnarok si Alden Richards. Looking forward din siyang maka-collaborate ang aktor.

Kuwento ni Myrtle, “Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good din sa video games at saka nakatutuwa rin ‘yung mga live stream niya. I hope we can collaborate.”

Kahit na abala bilang gamer, hindi pa rin mawawala sa puso ni Myrtle ang pagko-cosplay na rito siya unang nakilala. Sa katunayan, naging guest ni Myrtle sa online show ng GMA Artist Center na Cool Hub, ang cosplayers na nagwagi noon sa Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea.

Maaaring mapanood ang kanilang fun interview sa GMA Artist Center YouTube channel.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Check Also

Lala Sotto-Santiago MTRCB

MTRCB Chair Lala umalis muna para dalawin ang anak sa Amerika

HARD TALKni Pilar Mateo SAGLIT na mawawala sa kanyang desk ang Chairwoman ng MTRCB (Movie and Television …

Arci Muñoz Kim Soo Hyun So Ji Sub Lee Jong Suk Lee Min Ho Song Jung Ki Hyun Bin

Arci wish makapareha sinoman kina Kim Soo Hyun, So Ji Sub, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Song Jung Ki, at Hyun Bin

HARD TALKni Pilar Mateo OPPA na nga lang ang masasabing kulang sa buhay ng isang Arci …

Liza Soberano

 Liza paawa effect, todo hingi ng sorry sa mga taong ‘nasagasaan’

𝙄-𝙁𝙇𝙀𝙓𝙣𝙞 𝙅𝙪𝙣 𝙉𝙖𝙧𝙙𝙤 KUMAMBIYO nang wagas ngayon si Liza Soberano sa recent statements niya. Todo hingi ng …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco tagilid sa pakikipagrelasyon kay Cristine

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami sa reaksiyon ng fans doon sa tsismis na madalas …

Liza Soberano

Kampo ni Liza nagda-damage control; Nag-sorry sa ABS-CBN, kay Ogie

HATAWANni Ed de Leon NGAYON maliwanag nang nagda-damage control si Hope, alyas Liza Soberano. Ikinakalat nila ang …

Leave a Reply